_ngayon
^

Simbahan, binabantayan din!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 25, 2021 - 12:00am

Siguro alam naman ni Sec. Harry Roque na marami sa atin ang Katoliko.

Siguro naman ‘yung lumabas na threat na ipapasara ang mga simbahan ‘pag lumabag, baka na-out of context lang nang gawing headline sa mga diyaryo. Kasi ang tigas ng dating, para bang nakakatakot. Pati simbahan at mga pari, matigas ang ulo?

Sa panahon kasi ngayon na parang on edge ang bawat tao, dapat siguro maingat sa mga announcement para hindi malito. Dapat siguro medyo soft ang mga warning dahil anxious na ang lahat, ninenerbiyos na sa mga nagaganap.

Spiritual haven para sa Catholics ang loob ng simbahan, malaking blow na sa Holy Week ay sarado at wala ang dating traditions na ginagawa para sa Mahal na Araw, kaya marami ang nag-abang ng balita kung ano ang desisyon pagdating sa pagsisimba.

Ok na rin na may mga online mass, mga religious activity na virtual, at kahit ang Visita Iglesia.

At sure ako na susunod naman ang simbahan sa anumang desisyon ng gobyerno.

Sad, pero ito ang reality. Dalawang Holy Week na ang parang naging ordinaryong araw na lang para sa atin. Pero siguro, meron ding gustong ipahiwatig sa atin si God, at tanggapin natin iyon nang buong puso.

Basta alam natin, nandiyan lang siya, lagi tayong binabantayan, Amen, Amen.

Julia, mas bagay ilantad

Happy naman ako sa balita na magkasama raw na nakita sa Boracay sina Coco Martin at Julia Montes. Siguro nga ito na ang sign na baka lumantad na sila dahil kung talaga namang may relasyon sila, bakit kailangang itago.

Ang ganda nilang tingnan together, both are free, kaya nga kataka-takang kung may relasyon nga bakit kailangan pang i-deny.

Pinakamasarap sa lahat ‘yung ipinapakita mong mahal mo ang isang tao, ‘yung nakikita ang sweetness n’yo, iyon open kayo.

Ang love nakakaganda sa paligid, mas makitang masaya kayo, mas marami ang natutuwa. Makitang maligaya kayo, nahahawa sila sa kaligayahan n’yo.

Kung anuman ang relasyon nina Coco at Julia, palagay ko tatanggapin nang buong luwag ng fans nila. Mas marami siguro ang matutuwa para sa kanilang dalawa.

Sana nga ay ito na ang hinihintay ng marami na confirmation mula sa kanila. About time na meron nang matawag na sweetheart si Coco, at si Julia ay isang karapat-dapat na babae na mahalin at ipagmalaki ng sinumang lalaki.

 

CHURCH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with