^

PSN Showbiz

News reporter, mas ­napapansin ang mga ­burloloy sa katawan

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Eksenadora ang mga burloloy sa katawan ng isang news reporter.

Siyempre, sa halip na pakinggang mabuti ang report eh, napapansin ang mga burloloy sa katawan, huh!

Malinaw namang mag-report ang TV reporter, pero hindi nakakabuti sa image ng isang news reporter na masyadong maarte sa katawan.

Naku, kapag hindi magbabawas ng burloloy sa katawan ang reporter, hindi kami magtataka kung ma-reprimand siya ng kanyang boss one of these days, huh!

Claudine, tuloy ang pagtalak kay Raymart

Nag-iingay na naman si Claudine Barretto sa kanyang social media account.

Siyempre pa, ang dating asawa na si Raymart Santiago ang target niya sa latest posts sa Instagram, huh!

May kinalaman sa buwanang sustento sa dalawa nilang anak ni Claudine ang paghiyaw muli ng huli.

Dapat isaalang-alang ng aktres ang kapakanan ng mga anak na sina Sabina at Santino sa pagtalak kay Raymart. Ang mga bata rin ang apektado sa ginagawa niyang ito.

Nandiyan naman ang korte upang masolusyunan ang problema nila. Nandiyan din ang lawyer ng aktres na si Atty. Ferdie Topacio upang mabigyan ng solusyon ang problema ayon sa batas.

Basahin na lang ninyo ang IG account ni Caudine at kayo na ang magsabi kung tama siya sa ginagawa niya kay Raymart!

REPORTER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with