^

PSN Showbiz

Mga taping madalas maudlot ng two weeks!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Alarming naman iyon mga balita na maraming taping daw ang naapektuhan dahil sa kadalasan may nagpa-positive pagdating sa swab test. Kaya napa-pack up muna ang taping ng dalawang linggo dahil nga kailangan ang quarantine period dahil baka magkaroon din ang ibang kasali sa production. Grabe ha, kahit anong ingat talaga hindi pa rin maiwasan iyon pagkakaroon ng iba na puwede nakuha dahil nga sa mga tao na kasama nila or napahalo sa taping.

Ingat na ingat na ang lahat, walang puwede dumalaw o pumasok na ibang tao, pero hayun, nadadale pa rin ang iba.

Kung patuloy na mangyayari ito baka nga iwasan muna ang taping na magiging malaki na naman problema sa showbiz. Hinto-trabaho na naman, replay na naman, paano na iyan?

Dapat talaga siguro makaisip ng mas magandang way na maayos ang lahat.

Nagtitiis na nga sa lock-in, ang laki na ng gastos sa production, nag-iingat na lahat, hindi pa rin maiwasan, kaya ibahin naman ang approach, ang solusyon.

Huwag nang ihinto ang trabaho, ituloy lang. Iyon nag-positive, ipagamot, palitan. Huwag natin ihinto dahil sa isang tinamaan, tapos doble ingat uli.

scary ang scenario, pero mas magiging nakakatakot kung pati iyon iba mawalan ng trabaho. Hindi na natin maiiwasan ito, harapin na lang natin.

Tonton, tamad mag-text

Ang hirap nga sigurong mag-text pag malaki ang mga daliri mo sa kamay. Kasi kundi ka maingat, two letters agad ang mapipindot mo, at kundi mo i-check, tiyak mali ang masi-send mong text. Saka kung minsan pag panay text mo, nakakatamad, tulad ni Tonton Gutierrez na inis na inis ‘pag sinasabi kong i-text iyon sinasabi para matandaan ko, kasi nga nakakapagod daw mag-text. Kalokah!

Babae lang yata at mga baklita mahilig sa texting, kasi kahit iyon ibang kong alagang mga lalaki mas gusto, usap na lang sa phone.

Iyon naman texting parang enjoy ako kasi nga parang nagta-type ka sa maki­nilya, pero dahil nga mabilis ako mag-text, kadalasan nagkakamali ako, at dahil tamad ako, ayaw ko nang i correct, hah hah, kaya dusa si Salve sa proofreading, o kaya pinababayaan na lang din niya, hah hah.

Kaya dapat din pasensiyosa o matiyaga iyon nagti-text. Mara­ming oras din kinakain nito, magbasa ng text, sumagot sa text. Kung minsan hindi mo  mapansin, dami mong oras na kinain. Kaya nga dati, lahat ng comments sa Instagram account ko, nababasa ko, ngayon kung minsan hindi ko na magawa. Lalo pa nga at subsob ako sa panonood ng mga favorite ko. But cellphone is a very good device, talagang isa sa wonder ng technology na ang laki ng naitulong sa tao.

vuukle comment

TAPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with