^

PSN Showbiz

Kasalang Richard at Sarah, naalala sa lockdown anniversary

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kasalang Richard at Sarah, naalala sa lockdown anniversary
Richard at Sarah

Kung ‘first anniversary’ ng lockdown kahapon, ganundin ang kasal nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

Isang malaking wedding sana noon ang pinagplanuhan nina Richard and Sarah pero biglang nagkaroon ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakansela ang nasabing big wedding pero itinuloy pa rin nila ang kasal, civil, na naging witness ang ilang mga kaibigan.

At inalala ito ni Richard kahapon : “Happy 1st wedding anniversary my love. May our love and trust keep growing in the passing of each year, through the highs and lows. I know the road ahead will not always be smooth, there will be speed bumps along the way, some inevitable set backs, but with Gods shining light upon us, I know our love will always be victorious. So never be afraid my love, for I will always be by your side, holding your hand as we go through our chosen path in life. You are the pillar of my life and i wake up every morning trying to become a better man because of you. I love you and I will forever cherish you.”

Mabilis na lumipas ang isang taon pero parang dejavu ang ang nagaganap dahil nga, andito pa rin ang pandemic at mas marami pa ang bilang ng mga nagpopositibo after a year.

Dong ng Zamboanga, instant milyonaryo bilang PBB Big Winner!

Parang may franchise ang ABS-CBN sa naganap na PBB Big Night the other night.

Masasabi ngang isang unforgettable ang natapos na edition ng Pinoy Big Brother.

Bukod sa walang franchise ang network, may pandemic kaya paglabas ng Big Winner and runners-up ng Bahay Ni Kuya, hindi pa rin naman talaga sila makakalabas ng outside world dahil mahigpit na uli ang health protocols dahil sa pagtaas ng positive cases sa bansa.

Seriously, talagang bongga ang Kapamilya Network dahil nairaos nila ang PBB na sinubaybayan sa iba’t ibang social media platforms particular na sa Kumu na napanood din sa TV5 at Kapamilya Channel.

Andun pa rin ‘yung excitement nang tawagin ni Toni Gonzaga ang Big Winner.

Ang ‘Dong Diskarte ng Zamboanga del Sur’ nga na si Liofer Pinatacan ang binoto ng taumbayan na Big Winner ng Pinoy Big Brother Connect sa ginanap na kauna-unahang virtual Big Night.

Nakakuha si Liofer ng 20.90% na pinagsamang Kumu at text votes.

Pumapangalawa naman si Andrea Abaya, ang ‘Cheerdance Sweetheart ng Parañaque,’ na may 16.60%, habang third at fourth Big Placers naman sina Kobie Brown, ang ‘Charming Striker ng Parañaque,’ na may 3.36%, at  Jie-Ann Armero, ang ‘Kwelang Fan Girl ng Sarangani’ na umani ng 2.66%.

Naging emosyonal at speechless si Liofer matapos itanghal na Big Winner dahil sa dami ng pagsubok na pinagdaanan sa loob ng bahay ni Kuya, kung saan sa loob ng mahigit tatlong buwan ay hinamon silang magpakatotoo, magtiwala sa sarili, at kumonekta sa isa’t isa. 

“Grabe. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat-lahat ng sumuporta sa akin dito,” sabi ng laking Zamboanga na ibinahagi rin noong Big Night na ­unang gagawin niya sa pagkapanalo ay tulungan ang ina.     

Wagi siya ng bagong house and lot mula sa Phirst Park Homes at P1 milyon mula sa Brilliant Skin Essentials si Liofer. Habang may cash prizes naman na matatanggap sina Andrea Abaya, Kobie Brown at Jie-Ann Armero na P500,000, P300,000, at P200,000.

Naroon naman upang salubungin sa outside world si Liofer ng kapwa niyang Big Winners sa iba’t ibang edisyon ng PBB, kabilang na sina Nene Tamayo, Bea Saw, Ruben Gonzaga, Ejay Falcon, Slater Young, Daniel Matsunaga, Jimboy Martin at Yamyam Gucong.

Bukod sa pag-anunsyo ng Big Winner ng season na ito,  trending din sa Twitter ang performances ng BGYO, ang pagpapakilig ng KarJon at KaoRhys love teams, at ang muling pagsasama ng PBB Connect ex-housemates.

 Samantala, mula sa kanilang housemates dahil inanunsyo sa Big Night na magkakaroon ng sariling livestream ang lahat ng housemates sa Kumu.

Natirang anak ni Eddie Garcia, pumanaw na rin

Aww sumakabilang-buhay na rin pala ang natitirang anak ng namayapa na ring showbiz icon na si Eddie Garcia, si Erwin Garcia dahil diumano sa complications. “It’s very sad that after two years, sumunod na si Erwin kay Tito Eddie,” ayon sa statement ni Representative Mikee Romero.

Tatlo ang biological children ng namayapang actor at nauna na ang dalawa.

Malungkot ang kapalaran ng dalawa pang tunay na anak ni Manoy at maging ng tunay na misis ayon sa isang nakakakilala sa kanya.

Ang misis niya pala ay namatay sa cancer habang ang dalawa niyang anak na nauna kay Erwin – ang isa ay sa heart attack at ang isa naman ay sa motorcycle accident.

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with