_ngayon
^

PSN Showbiz

Congresswoman Vilma, inendorso ni Yorme bilang National Artist

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Congresswoman Vilma, inendorso ni Yorme bilang National Artist
Congresswoman Vilma at Yorma
STAR/ File

Masaya ang naging kuwentuhan ng dalawang showbiz personalities na ngayon ay public servants din, sina Congresswoman Vilma Santos at si Yorme Isko Moreno.

Naging guest si Ate Vi sa online program ni Yorme, Capital Report na napapanood nang live sa kanyang social media page. Si Ate Vi naman, naka-live via Zoom mula sa kanyang tahanan.

Kaya naman personal na inimbitahan ni Yorme si Ate Vi ay hindi lamang para makapagkuwentuhan. Gusto rin ni Yorme na siya ang personal na magpaabot kay Ate Vi ng balita na ang sangguniang panlungsod ng Maynila sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna, at ang mga konsehal ng lungsod ay nagpalabas ng isang resolusyon na nag-eendorso kay Ate Vi bilang National Artist. Hindi karaniwan sa isang konseho na magpalabas ng ganyang endorsement, dahil iyan ay karaniwang iniiwan na lang nila sa desisyon ng NCCA at CCP na siyang gumagawa talaga ng nominasyon. Pero ang sabi nga ni Yorme, naniniwala raw ang konseho na kung pakikinggan ang kanilang resolusyon, makapagbibigay iyon ng inspirasyon sa mga batang Maynila.

Nagulat pa nga si Yorme nang sabihin ni Ate Vi na siya ay Batang Maynila rin dahil ipinanganak siya sa lungsod.

Kasunod noon nagpasalamat si Ate Vi sa City Council ng Maynila, at sinabing ano man ang mangyari, ideklara man siyang National Artist o hindi, tatanawin niyang isang malaking utang na loob ang ginawa nilang pag-eendorso sa kanya.

Bukod sa CCP at NCCA , depende siyempre ‘yan kung palulusutin ng presidente dahil ang parangal sa isang National Artist ay nakabatay sa isang presidential proclamation.

“Napakalaking karangalan iyan na maski ako hindi ko inaasahan sa ngayon,” sabi ni Ate Vi. Pero ang mahalagang pagkilala naman na katumbas ng National Artist award ay ang Presidential Lingkod Bayan Award na ipinagkakaloob naman ng Civil Service Commission, na noon pang 2012 ay naipagkaloob na kay Ate Vi.

Kaya kung magiging National Artist pa nga siya, parang lahat na ng pinakamataas na karangalan ay nakuha na niya.

Kylie at Aljur, hinarap ang problema

Obvious na nagkasundo na ngang muli sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na ilang linggo na rin nabalitang nagkahiwalay dahil sa kanilang tampuhan na lumabas dahil sa posts ni Kylie sa social media. Pero ngayon isang post din ni Kylie ang nagsasabing hinarap nila bilang isang pamilya ang nangyari sa kanilang anak na panga­nay na si Alas Joaquin na nakagat nga ng aso.

Nakakatuwa naman na nagkabalikan na sila. Kasi kung hindi, ang maaapektuhan talaga ay ang dalawang anak nila.

Intriga kina Gerald at Julia, gusto nang patigilan

Isang news staff ng ABS-CBN ang nagsabi sa amin na sinabihan daw sila na tigilan na ang mga pagbabalita tungkol kina Gerald Anderson at Julia Barretto. Siguro na-realize rin nila na nag-boomerang ang ginawang pag-amin ni Gerald at naging negative pa ang dating noon sa mga tao. Umamin si Gerald sa internet program ni Boy Abunda na sa ABS-CBN din naman. Ang nagpalaki ng kuwento ay ang kanilang news din naman, pero iyon nga nag-boomerang, kaya sinasabi nilang “tigilan na dahil wala naman silang project.”

Hindi naman siguro nila igagawa ng project ang dalawang iyan dahil hindi naman masasabing malaking hit ang ginawa nilang pelikula noon.

Pero ang una ngang dapat na awatin nila ay sina Julia at Gerald mismo na labas nang labas ngayon ng kanilang pictures at kuwento sa social media. Sila ang naglalabas eh.

ATE VI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with