^

PSN Showbiz

Direktor nahawa ng COVID, na-icu!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Mahirap talagang makampante. Dapat talaga mag-ingat pa rin dahil nandiyan pa rin talaga ang COVID-19, lalo na’t kumalat na rin ang South African variant at kung anu-ano pa.

Tahimik na lang ang ibang artista at production staff pero may mga nahahawa pa rin. Kaya tama naman ang desisyon ng Metro Manila mayors na huwag na muna talagang magbukas ng mga sinehan.

Pinaghahandaan na nga sana ito ng FDCP dahil meron silang campaign para mabalik ang interes natin sa panonood ng sine.

Kapag naririnig namin ang iba’t-ibang kuwento, mas lalo kaming natakot at kung puwede lang ay huwag na muna talaga maglalalabas.

Meron ngang make-up artist na nag-make-up lang siya sa isang taping, pag-uwi raw niya ay may dala na siyang sakit. Nahawa na ito ng COVID-19.

May isang direktor na muntik-muntikan na talaga at na-ICU na ito. Mabuti na lang at okay na raw siya ngayon at hindi naman nahawa ang pamilya niya at iba pang kasamahan sa bahay.

Kaya tama na magpabakuna na tayo para na rin sa proteksyon sa atin at mga mahal sa buhay.

Anjo, ayaw makisawsaw sa awayan

Medyo naintriga lang kami bakit hanggang ngayon ay hindi pa nag-uusap sina Anjo Yllana at Janno Gibbs. Nagkaka-text lang daw pero hindi pa raw sila nagkausap, na hindi na rin pinupursige ni Anjo dahil hindi naman daw siya involved sa isyu. Nasa management na raw ang pag-uusap o kung ano na talaga ang desisyon nila, kung tuluyan na nga bang tanggalin sina Janno at Kitkat sa Happy Time.

Sabi ni Anjo nang naka-text ko siya noong nakaraang Linggo ng gabi, wala pa naman daw sinasabi sa kanila ang management. “Basta work lang kami,” dagdag niyang text sa akin. Okay naman daw kasama sina Boobsie, CJ Hirro at Mico Aytona at ang gaan daw nilang katrabaho.

Nasilip ko nga sila minsan, parang mas masaya pa silang panoorin, lalo na si Boobsie na nakakatawa. Pero hindi niya ako masagot kung talagang regular na nga ba ang mga bagong kasama niya sa natu­rang programa. “Wala silang sinasabi sa amin, good job lang (tatlong laugh emoticon). Kaso ‘di ko alam kung ano plans ng management,”  text pa niya uli sa akin.

Kaya maingat siya sa mga sagot niya dahil so far, wala pa rin daw sinasabi ang Net 25 kung ano na talaga ang desisyon nila.

“Ang wish ko lang, magkabati na sila (Janno & Kitkat), kung ‘di pa sila bati,” text uli sa akin ni Anjo.

Barbie, pinatunayan ang pagiging prinsesa

Ang lakas ng tawa ni Barbie Forteza nang ipinatanong namin sa kanya kung handa na ba siyang tanggapin ang titulong GMA Primetime Queen.

Bilang magpapahinga muna si Marian Rivera sa paggawa ng drama series, puwedeng sa kanya na ibigay ang titulong ito dahil matagal din naman niyang hawak ang GMA Primetime Princess.

In fairness naman kasi kay Barbie, maganda lagi ang kinalalabasan ng mga drama series niya at itong latest ngang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday ay consistent na mataas ang ratings at maganda pa ang feedback.  “Oh my God, no! Ate Marian will always be the Primetime Queen! Hindi na po mababago yan,” tili ni Barbie.

Masaya na raw siya na maging prinsesa ng GMA Primetime.

“Lagi pong tinatanong sa akin yan eh. I think, I am finally confident to say that I earned the title and I’m gonna keep improving to be worthy to be the Primetime Princess,” pakli ni Barbie.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with