^
Jane at RK, last year pa nag-start
RK at Jane

Jane at RK, last year pa nag-start

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

“Kung ano po ang nakikita n’yo, ‘yun na ‘yun,” natatawang sagot ni Jane Oineza kung gaano siya ka-happy ngayon.

Nali-link si Jane kay RK Bagatsing at spotted nga sila sa isang resort recently lang.

Last year pa sila nali-link ni RK at si Jane na ang sinasabing cause ng hiwalayan nila ng girlfriend ng aktor noon.
Nag-start ang issue sa kanila nang magtambal sila sa pelikulang Us Again and teleseryeng Araw Gabi sa ABS-CBN.

Anyway, natanong si Jane kahapon tungkol dito sa virtual media conference ng new show niya sa TV5 na Gen Z na produced ng Cignal Entertainment and Regal Entertainment.

Bida rin dito sina Jerome Ponce, Ricci Rivero, Melizza Jimenez, Chie Filomeno, Kent Gonzales, at Darwin Yu na magbibigay-kulay sa Gen Z, ang exciting new young adult series na mapapanood tuwing Linggo ng gabi.

Susundan ng Gen Z ang isang fresh yet fearless portrayal of the struggles and aspirations ng nasabing henerasyon.

Ang kuwento ay umiikot sa buhay ng magkapatid na si Jojo (Ponce) and Kiko (Gonzales), as they enter the world of adulthood kasama ang mga kaibigan nila na sina Matet (Oineza) and Rico (Yu).  Kasama sa kanilang grupo ay ang rebellious wildheart na si Gina (Filomeno); at ang upper class sweethearts na sina Migo (Rivero) and Michelle (Jimenez).

Bibigyang-larawan din ng show kung paano hinaharap ng mga bida ang mga pagsubok habang nagsusumikap na abutin ang kanilang mga ambisyon sa buhay at ang impact nito sa kanilang relasyon sa kanilang mga pamilya’t kaibigan.

Pangunahing highlight ng Gen Z ang magkakaiba ngunit magkakaugnay na mga kuwento ng mga karakter nito, kasabay ng pagkakaroon nila ng bigger responsibilities habang nakikitungo sa mga taong hindi nila lagi nakakasundo.

Tinatalakay rin sa kuwento ang iba’t-ibang dynamics ng pamilya at ang kanilang pagpupursigi ng mga bidang mapabuti ang kanilang kinalalagayan, hindi lang para sa kanila kundi para rin sa kanilang mga minamahal sa buhay, kaya’t siguradong makaka-relate dito maging ang mga manonood ng ibang henerasyon.

Kasama ng young cast ay ang betera­nong mga aktor na pinamumunuan nila Joey Marquez, Angeli Bayani at Teresa Loyzaga.

Isa itong real-life depiction ng struggles at priorities ng mga Gen Zs at kanilang family relationships, mula sa point of view ng mga Gen Z writers na naging estu­dyante ni Direk Joey Reyes sa College of Saint Benilde.

JANE OINEZA RK BAGATSING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with