^
KZ, hindi makapaniwala sa gabay ng Disney
KZ

KZ, hindi makapaniwala sa gabay ng Disney

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Isang malaking karangalan para kay KZ Tan­dingan na mapili upang magamit ang boses para isang Filipino song ng Disney. Tampok ang kantang Gabay para sa epic adventure film na Raya and The Last Dragon. “Parang lahat naman yata tayo lumaki o tumanda na nanonood talaga ng Disney movies. Lalo na sa little girls at little boys. Parang lahat tayo nangangarap sana someday ay pwede akong maging princess ganito or prince charming ganito,” nakangiting pahayag ni KZ.

Ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang Asia’s Soul Supreme na mangyayari ito sa kanyang karera bilang isang singer. “They said they wanted me to do it. Noong una nga medyo, ‘Totoo po ba? baka nagkamali lang po ng send ng message.’ Kasi hindi ba parang I don’t sound like the singers who are often chosen. Last year nangyari ‘yung coordination and everything. ‘Yon nga di ako makapaniwala, hindi ako ‘yung usual type of artist na i-expect mo na kakanta,” kwento niya.

Napapakinggan na ngayon sa pamamagitan ng Spotify at iba pang digital streaming platforms ang Gabay. “Sana po suportahan n’yo po kasi this is history. We are making history at Filipinos na mayroon na tayong sariling Disney song. Sana po ay suportahan nating lahat,” pagtatapos ni KZ.

Angelu, naiibahan Sa loveteam noon at ngayon

Isa sa pinakasikat na tambalan noong dekada nobenta ay ang kina Angelu de Leon at Bobby Andrews. Ayon kay Angelu ay hindi sila nagkaroon ng espesyal na ugnayan noon ng aktor dahil sa tatlong taong agwat sa kanilang edad. Para sa aktres ay malayung-malayo ang pagkakaiba ng mga love teams ngayon na kadalasan ay nagiging magkarelasyon sa totoong buhay. Ilan dito ay sina Liza Soberano at Enrique Gil, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. “’Yon lang ‘yung difference namin with Bob. Maybe it would have been a different situation if our age are a little bit closer. Talagang there was really age gap and siguro dati hindi ‘yon pansin ng tao. Pero it was a factor,” bungad ni Angelu.

Samantala, kinilig umano ang aktres nang mapanood ang music video ng kantang Paubaya ni Moira dela Torre kung saan tampok ang dating magkasintahan na sina Julia Barretto at Joshua Garcia. “Ang cute, naaliw ako do’n. Para sa akin dapat ginawa namin ni Bobby. Marami na talagang love teams na it brings joy even me watching them. Parang ‘Oh my gosh, ganito pala ang nararamdaman ng mga fans namin dati.’ Parang gano’n,” natatawang pahayag ng aktres.

Inalam pa umano ni Angelu ang naging love story ng JoshLia pagkapatos mapanood ang naturang music video. “They’re very strong in a sense na to do that kind of thing. It was very personal, ang galing nilang dalawa to be able to do that, because to some, magtatago na lang ‘yan. But for them, it was a closure. It was a nice thing na, ‘At least after nito puwede tayo maging friends,” paglalahad ni Angelu. (Reports from JCC)

KZ TAN­DINGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with