^
Pagkamatay ng international designer, pinagluksa
Sharon

Pagkamatay ng international designer, pinagluksa

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

Naku, Salve ha, naka-relate ako kay Sharon Cuneta na sobrang sad dahil sa pagkamatay ni Rocky Gathercole, ang international designer. Ka-table natin si Rocky sa presscon ng Sharon / Regine (Velasquez) concert sa Luxent Hotel ‘di bah? Na dahil look alike sila ni Tenten ni Alden Richards talagang nalito ako noon, eh first time ko siyang nakita in person pero familiar na ang name niya dahil hindi ko nalimutan ‘yung gown na isusuot sana ni Rubby Coyuito sa wedding nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa Paris. Naloka ako na hindi magkasya sa elevator si Rubby dahil sa balloon na lower part ng gown na gawa ni Rocky at ginamit sa isang fashion show.

Ending, hindi ginamit ang naturang gown na sana pag-uusapan sa wedding ng mga bonggang guest dahil conversation piece siya talaga at nakaw-eksena sana si Rubby.

Very friendly si Rocky kahit kilala na siya internationally, friend / fan siya ni Sharon at knows niya by heart ang Gabby Concepcion at Sharon romance, kaya marami siyang kuwento doon sa lunch presscon.

Very talented din siya at avant garde ang mga creation, kaya hindi kataka-taka na meron siyang coterie of international clients na talagang in love sa designs niya.

Sayang nga at very young siya lumisan sa mundo, siguro nga after making his mark, gusto na niyang magpahinga.

Sleep well, Rocky, you made a name we will always be proud of. We will pray for you.

Writer’s block?!

Nangyari na ba sa iyo ang writer’s block, Salve? O bata ka pa kaya hindi mo pa nararanasan ‘yung parang walang pumapasok sa utak mo ‘pag handa ka nang mag-type?

Napansin ko kasi baka sa kakapanood ko ng Korea­novela, kaya lately parang ang gulo-gulo ng utak ko at bigla na lang nagbablangko siya, wala akong maisip na i-post sa Instagram. Iyon bang parang tulog ang utak ko at ayaw umandar, dala kaya ng old age, o dahil sa tambak na istorya ng mga serye na nasa isip ko pa?

Tigilan ko kaya muna ang kapapanood ng mga oppa ko, para ma-rest muna ang utak ko. Naku, baka naman ‘pag 74 ka na, ganun na talaga, medyo nagiging makakalimutin, medyo kailangan na ng konting mental motivation para maging sharp at hindi muna dense. Kasi naman, kung minsan kalokah din ang issues na ayaw ko namang sumawsaw nang sumawsaw dahil nga may mga bagay na talaga namang hindi ka na dapat nagbibigay ng opinyon. Saka kasi naman, konti lang ang mga activity, kaya saan ka naman pupulot ng balita? At heto nga pandemic ang paligid, kaya hayan pandemic din ang utak.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with