^
Arjo, ipo-produce ang tribute movie ni Eddie Garcia
Arjo

Arjo, ipo-produce ang tribute movie ni Eddie Garcia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

Kahit nasa GMA ang kasintahang si Maine Mendoza ay nanatili pa ring Kapamilya si Arjo Atayde. Kamakailan ay muling pumirma ang aktor ng kontrata sa ABS-CBN. “Hones­t­ly, I trust them. I trust them since day one. So whatever project they may give me, I’m good. I’m just happy to be home. I’m a team player. If they sink, I sink with them. If they’re gone, I’m gone with them. So the reason why I’m staying is this is my home and I don’t want to be elsewhere but here. That’s about it,” makahulugang paliwanag ni Arjo.

Sa susunod na mga buwan ay kabi-kabilang mga proyekto na ang nakatakdang gawin ng aktor. “We’re planning to do something mid-year. We’ll be announcing very soon. ABS-CBN is taking care of me so much, and I’m very blessed for that. Coming this April, I’m working on a movie that was supposed to be for me and Mr. Eddie Garcia. It became a tri­bute to him and this is one of the movies that I’m first producing alongside with my team. So this is one of the stories that we’re looking forward to tell. After that I’ll be working on a project with ABS-CBN finally mid-year. That one I can’t announce but it’s going to be a seryosong story, seryosong journey,” pagdedetalye ng binata.

Francine at Kyle, tuloy ang pagsusuportahan

Unang sumikat ang tambalan nina Francine Diaz at Kyle Echarri sa teleseryeng Kadenang Ginto at mula noon ay naging malapit na sila sa isa’t isa. Ngayon ay muling magkakatambal ang dalawa sa Huwag Kang Mangamba kasama sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Mara­ming mga tagahanga ang nagtatanong kung may espesyal na nga bang namamagitan kina Francine at Kyle ngayon. “Best friend and partner before and present,” bungad ni Francine.

Ayon sa aktres ay talagang nabawasan daw ang komunikasyon sa pagitan nila ni Kyle mula nang ipatupad ang community quarantine noong isang taon dahil sa banta ng covid-19 pandemic. “Kami po kasi ni Kyle during lockdown, hindi po talaga kami lumalabas. Nag-uusap naman po kami, nagkakamustahan pero mayroon po kasi kaming sinet na goal no’ng quarantine na mag-spend kami ng time kasama ‘yung mga kapatid at pamilya namin,” pagtatapat ng dalaga.

Para kay Francine ay talagang espesyal ang turingan nila ni Kyle kaya palagi rin silang nariyan para sa isa’t isa. “For me po, ‘di naman nasusukat sa friendship ‘yung communication. Kapag ‘di kayo nag-uusap, hindi do’n nasusukat. Kasi kapag may problema ‘yung isa sa amin, nandoon kami, nagdadamayan,” giit ng aktres. Reports from JCC

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with