^
Edward handang sumugal!, Arjo emosyonal sa pagpirma ng kontrata sa Kapamilya

Edward handang sumugal!, Arjo emosyonal sa pagpirma ng kontrata sa Kapamilya

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

Buo ang tiwala at pagmamahal ng Kapamilya stars na sina Maymay Entrata, Edward Barber, Francine Diaz, Donny Pangilinan, Arjo Atayde, at Gary Valenciano sa ABS-CBN, kahit walang franchise ang network matapos silang pumirma ng panibagong kontrata rito last Friday afternoon

Sa ginanap na Kapamilya Strong contract signing event at media conference, isa-isang mainit na sinalubong ng ABS-CBN executives ang anim na Kapamilya stars.

Unang nag-renew ng kontrata si Maymay na bakas ang saya at luha sa mata dahil sa bagong milestone sa kanyang karera. “Mahalaga sa akin ang pagiging Kapamilya dahil dito ako nagsimula. Sila ang naging tulay ng mga pangarap ko. Dito ko nahanap ang purpose ko,” ani Maymay na bumida sa digital romcom movie na Princess DayaReese. Mapapanood pa rin siya sa ASAP Natin ‘To at iWant ASAP.

Sumunod namang pumirma ng kontrata ang ka-loveteam ni Maymay na si Edward na handang ‘sumugal’ ngayon taon. Ayon sa host ng MYX online show na Kwentong Barber sa Kumu, “Kailangan kong sumugal ng konti ngayong taon. To jump, to take risks. I’ll take a chance. I’ll train, not try.”

Para naman kay Francine Diaz na mapapanood muli sa inspirational teleserye na Huwag Kang Mangamba kasama ang Gold Squad, puspusan na ang kanyang preparasyon sa bagong teleserye.

“Inaaral ko ang mga eksena, lalo na po ‘yung scenes na kasama ako. Pero kinakabahan din po ako  kasi kailangan marami kaming mabigay na message at lessons sa mga Kapamilya natin,” paliwanag ng young star.

Isa pa sa mga pumirma ng kontrata si Donny Pangilinan na malapit nang mapanood sa iWantTFC series na He’s Into Her, kasama si Belle Mariano. Ayon kay Donny, puno siya ng pasasalamat sa Panginoon para sa bagong ‘blessing’ sa kanyang buhay. “I’m glad to be here in my roots. Thank you so much ABS-CBN for giving me wings to fly as well,” dagdag ni Donny.

Kabilang din sa Kapamilya Strong event ang 2020 Asian Academy Creative Awards Best Actor na si Arjo Atayde na may ginagawa ng bagong proyekto.

Kahit wala pang masyadong detalye itong ibinahagi, excited na si Arjo na magbalik-trabaho. Naging emosyonal din ang aktor habang pinapasalamatan ang network. “It [ABS-CBN] feels like home. For a lot of reasons they take care of us. They give us the projects we deserve, as long as we work hard for it. I just love being a Kapamilya and I will stay here no matter what,” sambit niya na binati rin ng kasintahang si Maine Mendoza at ang naging katrabaho sa  The General’s Daughter na si Diamond Star Maricel Soriano sa isang video message.

Masaya rin si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa kanyang pananatili bilang Kapamilya. “What do I hope for this 2021? Just for us to continue to inspire and encou­rage so many people out there through our music, stories, dance. Everything.”

Kabilang sa dumalong ABS-CBN executives sina chairman Mark Lopez, president and CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, head of entertainment production and head of Star Magic Laurenti Dyogi, managing director of ABS-CBN Film Productions Olivia Lamasan, at head of finance na si Rick Tan.

KAPAMILYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with