^
Lady Gaga may offer na $500,000 sa magbabalik ng kanyang dalawang aso
Lady Gaga

Lady Gaga may offer na $500,000 sa magbabalik ng kanyang dalawang aso

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Grabe, $500,000 ang offer na reward ng international singer na si Lady Gaga sa bumaril sa kanyang dog walker at kumuha ng dalawang alaga niyang French bulldogs sa Hollywood ayon sa report ng time.com.

Ayon sa reports, tatlong aso ni Lady Gaga ang dala ng dog walker niya pero dalawa lang ang nakuha dahil nakatakas ang isa. Koji and Gustav ang pangalan ng dalawang French dogs na ang offer nga ay kalahating milyong dolyares sa magbabalik nito at wala nang tanung-tanong.

Naganap daw ang krimen sa Sunset Boulevard, around 9:30 a.m.

Ayon pa sa report ng time.com, “Two suspects exited the vehicle and demanded the victim turn over the dogs at gunpoint. The victim struggled with the suspects and was shot once by one of the suspects.”

Naku sana naman ‘wag itong maisip dito sa atin. Ang dami nang ganap sa ating paligid.

LADY GAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with