^
Kitkat tinapos na ang away kay Janno
Kitkat

Kitkat tinapos na ang away kay Janno

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Sayang naman, pero tanggal na pala officially si Kitkat sa kanilang noontime show dahil sa naging issue nila ni Janno Gibbs.

In all fairness, mas pinag-usapan ito sa social media.

Pero ayon sa komedyana, ito na ang huling post niya tungkol sa naging away nila ni Janno na napatawad na raw niya.

Bahagi ng post niya kahapon : “Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya. Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito, isa lang yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo. Wag nang dahil babae ako, luma na yan. Pagkatao na lang.

“Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were ‘provoked”? Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nung oras na yun, timbangin mo. Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo? Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari. Kung papano mo makikita yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam. Mara­ming nakakita, nakapanuod at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na yan sa katotohanan. Wala nang silbing ilaban ko pa sa yo yan.

“Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho. Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong Napatawad na rin kita.

“Sa management, respeto at pagmamahal pa din po ang deserve nyo. Mahal na mahal ko po kayo lahat dyan..

“At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth,” ang post ng komedyana.

KITKAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with