^
Derek, expert na sa pagpatol sa bashers
Ellen at Derek
STAR/ File

Derek, expert na sa pagpatol sa bashers

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

Kung disabled ang comment section sa Instagram account ni Kylie Padilla, si Derek Ramsay naman ay walang takot na hinaharap ang mga bashing sa knyang IG account.

Pareho kaya sila ni Manay Lolit Solis na tila therapy na nila ang pagbabasa ng mga bashing sa kanila?

Kering-keri naman kasi ni Derek na sagutin nang malumanay at may wit ang mga pamba-bash sa kanya.

Noong kabi-break pa lang nila ni Andrea Torres, ipinagtatanggol niya ang dating kasintahan kapag nada­damay ito sa pamba-bash. Ngayon naman ay hindi niya pinalalagpas ang ilang ma­titinding bashing sa ilang post niya sa IG.

May ilang comment na negatibo kay Ellen Adarna pero kaagad na ipinagtanggol ito ng Kapuso actor. Kahit ang ilang nang-ookray sa mga nagtatanggol kina Derek at Ellen ay sinasagot pa ito ni Derek. Sabi niya; “If you wanna be negative towards me that’s ok but don’t be to others who are replying to your negativity.”

Naaliw din kami sa hirit niya sa ilang negatibong komento na tinawag sila ni Ellen ng “The BITCH and the CHEATER…” na dinugtungan ni Derek ng “and the basher.”

Kaya parang swak nga sina Derek at Ellen dahil kaya nilang dedmahin at sakyan ang mga negatibo at harsh na komento laban sa kanila sa social media.

Aljur, inaasa ang buhay kay Kylie?!

May mga nagkuwento nga na pinag-aayos na raw ang mag-asawang Kylie at Aljur Abrenica pero may mga kumakalat na kuwento kung bakit lumalala raw ang problema ng mag-asawa.

Pera nga raw ang dahilan dahil ayon sa mga kuwentong nakarating sa amin, lahat daw ay inaasa ni Aljur kay Kylie.

Totoo ba ‘yung pati raw pang-gas ay si Kylie pa ang nagbibigay?

Namimili pa raw ng projects si Aljur kaya hindi rin daw tuluy-tuloy ang kinikita, dahil hindi raw tinatanggap ang lahat ng offers sa kanya.

Pero sa ngayon ay hindi rin regular ang trabaho ni Kylie, kaya nagtataka kami kung paano nito tinutustusan ang mga gastusin ni Aljur.

Bukas ang pahinang ito sa panig ni Aljur para malinaw lang kung ano talaga ang problema nilang mag-asawa.

Arjo, lalabas sa sitcom ni Maine

As of presstime, hindi pa kami nasagot ni Sylvia Sanchez kung paano naayos ang guesting ni Arjo Atayde sa Daddy’s Gurl.

Nasa teaser ng naturang sitcom ang likod ng special guest ng episode na mapapanood pa sa March 6.

Marami ang humuhulang si Arjo ‘yung nakita ni Maine Mendoza sa eksenang iyon, pero may ilan ding nagku-comment na hindi raw iyon. Baka kung sinong Kapuso artist daw ito na kamukha lang ng back view ni Arjo. Pero nakumpirma namin sa isang reliable source na si Arjo nga raw ang special guest sa episode na iyon para sa birthday ni Maine.

Ang cute ng reaction ni Maine nang makita ang guest na iyon, kaya ramdam na namin ang kilig. Marami ang nag-aabang dito bilang suporta nila kay Maine na mapapanood sa March 6. Pero hindi pa rin talaga nawawala ang mga fans ng AlDub, at pati na rin si Alden Richards.

LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with