Kim hindi nabitbit ni Maja sa TV5

Kim at Maja
STAR/ File

Actually, narinig ko na dati ang kuwentong isa nga si Kim Chiu sa nire-recruit noon ni Maja Salvador na lumipat na rin sa TV5 at sumama sa Sunday Noontime Live na sadly ay mabilis nang nagbabu sa ere.

Pero talagang firm daw si Kim na hindi niya lalayasan ang Kapamilya Network na nagpasikat sa kanya.

Common knowledge now na hindi na makakabalik si Maja sa ABS-CBN matapos nga itong mag-decide na sumama sa kanyang tatay-tatayan na si Direk Johnny Manahan sa SNL na after nga raw na tsugiin ito sa ere dahil hindi sumisipa sa rating eh ang laki ng expenses ay nag-reach out si Maja sa Kapamilya bosses pero in-advise raw itong puwede na siyang mag-explore sa ibang channel.

Anyway, silent ang camp ni Maja ngayon dahil itinatanggi rin ng GMA na hindi sila willing magbayad ng mahal na talent fee sa kasalukuyan.

Show comments