^

PSN Showbiz

Dulong business ni Annabelle, nagkakaubusan

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Dulong business ni Annabelle, nagkakaubusan
Annabelle
STAR/ File

Naaliw ako, Ateng Salve, sa kuwento ni Ruffa Gutierrez na nag-react ang nanay niyang si Annabelle Rama dahil akala ay nagpa-presscon siya para i-announce ang tungkol sa pagbabati nila ng ex-husband na si Yilmaz Bektas.

“My gosh, parang walang alam si Mommy (Annabelle Rama) na ok na kami ni Yilmaz… na nag-uusap na kami. Sabi ba naman, bakit daw ako nagpa-presscon para i-announce ang tungkol doon. Of course not! Sabi ko sa kanya, para sa finale episode (noong Tuesday) ng Stay-In Love ang interview kong ‘yon.

“Sabi ba naman, puro Yilmaz daw ang nabasa niya at parang wala namang nagsulat ng tungkol sa finale episode ng Stay-In Love. Hahaha!” sey ni Ruffa.

Nang makatsikahan ko naman kahapon si Bisaya, sinabi niyang aware naman siya tungkol sa pagbabati nina Ruffa at Yilmaz dahil ikinuwento naman sa kanila ng kanyang panganay ang tungkol doon.

Nag-react lang daw si Bisaya dahil parang umaasa raw talaga si Ruffa sa pangako ni Yilmaz na dadalaw ito sa kanila nina Lorin at Venice by June or July.

“Umasa pa siya. Ewan ko kay Ruffa!” sey ni Bisaya.

Pero ang kuwento naman sa akin ni Ruffa, parang excited din naman si Bisaya na dadalaw si Yilmaz dito sa atin, huh!

Anyway, siguro marami lang ang interesado talaga na dumalaw si Yilmaz para makitang bati na nga sila ni Ruffa. Katulad nga ng madalas sabihin ng aktres, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang si Yilmaz pa rin ang tatay ng mga anak niyang sina Lorin at Venice.

Maganda rin naman na bati-bati na. Hindi naman nangangahulugan na porke bati na sila ay kailangang magbalikan naman sila, ‘noh?!

Anyway, sa magkahiwalay na pakikipagtsikahan ko sa mag-ina ang tungkol sa dulong product ng Kitchen of Annabelle ng misis ni Eddie Gutierrez ang isa rin sa mga topic namin.

Malakas kasi ang benta ng dulong ni Bisaya. “My gosh, bising-busy si Mommy sa dulong pro­ducts niya. Um-order nga ako ng 12 bottles, pero hindi pa raw mai-deliver kasi ubos na lahat. Gagawa pa ng bago. Mabenta raw kasi, so, I have to wait!” sey ni Ruffa.

Sabi naman ni Bisaya, “Marami kasing friends ko ang bumibili. Pinangreregalo yata nila. Masarap daw kasi. Maraming pumupuri, kaya maraming gustong mag-order, kaya busy rin ang beauty ko ngayon.

“Si Jinkee Pacquiao nga, sarap na sarap. Tumawag si Jinkee sa akin para ikuwentong napa-rice siya. Ang sarap daw kasi sa rice ng dulong na iniregalo ko sa kanila ni (Senator) Manny (Pacquiao), kaya o-order daw siya sa akin.

“Natutuwa naman ang beauty ko sa mga pumupuri sa dulong ko. Hindi talaga ako napapahiya.

“Si Chard (Richard) nga, um-order din sa akin. Magdadala raw siya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano kapag nag-lockdown uli sila. Ipapatikim daw niya kay Coco (Martin), pati sa ibang co-stars nila,” sey pa ni Bisaya.

So, dahil sa bottled dulong business ni Bisaya, abalang-abala na naman siya, huh!

Teka, na-inspire kayang magnegosyo si Bisaya dahil natupad na ang wish niya noon pa man na maghiwalay si Ruffa at ang boyfriend nitong si Jordan Mouyal?

Well… Hehehe! ‘Yun na!

vuukle comment

ANABELLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with