^

PSN Showbiz

Ruffa, naging busy na uli

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, naging busy na uli
Ruffa

Nasa news na naman lately si Ruffa Gutierrez. Totoo ‘yung sinabi niya na lahat ng significant things sa buhay niya ay nangyari noong panahon ni Yilmaz Bektas, ‘yung kasal, pagkakaroon ng dalawang anak, pagtira sa malayong lugar away from her family and the pain of separation.

Kaya hindi kataka-taka na very nostalgic para sa kanya ‘yung pag-uusap nila uli ni Yilmaz. ‘Yung tuksuhan na balikan o reconciliation, parang malayong mangyari dahil hindi ba siyempre ayaw mo nang maulit ang pain na natikman mo before, at lalo na sa case ni Ruffa na happy na siya being single na kasama ang mga anak niya habang lumalaki ang mga ito.

Mabuti nga at back to acting na si Ruffa, back to being busy sa trabaho, at least her being single mas nakatulong para mag-focus siya sa ginagawa niya.

Isa rin si Ruffa na naalagaang mabuti ang sarili kaya hanggang ngayon, beautiful at looking younger kahit na nga mga dalaga na ang mga anak na sina Lorin at Venice.

Sana nga tuluy-tuloy at laging may ginagawa si Ruffa, nang sa ganun lagi ring may ginagawa si Jun Lalin na parang feeling niya si Annabelle Rama II siya sa pagbabantay kay Ruffa.

K-drama na flower... ang ganda ng aral

Totoo pala na napaka-importante talaga ng formative years ng mga bata. Iyon pala ang mga bagay na isasaksak mo sa utak nila habang bata sila, iyon ang pinapaniwalaan nila, shaping them for what they become in the future.

Sa Korean series na Flower of Evil, dahil sa analysis ng isang psychiatrist sa mura pang utak ng bidang lalaki, he was growing up believing na demented siya, emotionless, walang empathy at manipulative. Hanggang lumaki siya at nagkaroon ng pamilya, nasa utak niya iyon.

Hindi ba sabi nga, ang isang tao, may three characters, ‘yung ipinapakita niya, ‘yung nararamdaman niya at ‘yung tunay na siya.

So half of that is during your formative years, kung ano ang ilagay sa isip mo at pinaniniwalaan mo, iyon ang kukumpleto sa magiging ikaw ‘pag lumaki ka na.

Very revealing, very informative, in such a way na siguro dapat malaman ng bawat adult para makatulong sa mga bata. ‘Yung paniwala nila sa sarili, confidence, love and hatred, dapat ihanda ang emosyon nila sa mga bagay na ito. Let them grow to be adult na responsible, kind, easy to love and strong to take the blow of life.

Ang ganda ng aral ng Flower of Evil ha, watch n’yo.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with