^

PSN Showbiz

Vina ayaw munang ibuking ang bagong karelasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vina ayaw munang ibuking ang bagong karelasyon
Vina

Mayroong bagong nagpapatibok sa puso ngayon ni Vina Morales. Hanggang maaari ay ayaw na munang ibahagi ng aktres sa publiko ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “Mahirap kasi ngayon, mahirap ‘yung past ko. Napaka-open ko sa private life ko pero nagkaroon ng maraming intriga. So better na ‘yung mas tahimik ngayon. Hindi naman artista ang nagpapa-inspire sa akin. Ang hirap din maging open din masyado kasi wala namang assurance pa eh. Kung talagang para sa ‘yo, kung talagang kayo. I guess better na medyo ganito na lang muna. Mas tahimik,” makahulugang pahayag ni Vina.

Katulad ng ibang mga babae ay nangangarap din ang aktres na maikasal balang araw. “Yes, handa naman. Kasi I’ve never been married. Gusto ko naman makasal. Kaso ngayon ayoko na ring umasa. Basta kung ano na lang ‘yung meant for me, kung wala ako, if I won’t be able to get married, kung hindi ko maranasan ‘yan, okay lang din sa akin. Parang open naman ako to anything. Life goes on with or without anyone. Of course masarap ‘yung feeling na may inspirasyon ka or parang hopeful ka pa rin na someday ikasal ka. But then kung hindi talaga para sa atin, wala akong magagawa. I cannot push things to happen or ipagpilitan ‘yung gano’ng situation na hindi naman talaga para sa akin,” pagbabahagi niya.

Ngayon ay maglalabing-dala­wang taong gulang na ang anak ni Vina at da­ting kasintahan na si Cedric Lee. Ayon sa aktres ay masaya naman siya sa piling ng anak at kapakanan ng bata ang pinaka-importante sa kanya. “Basta ako, I’m whole na because of Ceana. May Ceana ako, ‘yon lang ang importante sa akin. Kasi naging buo naman ako without anyone,” giit ng aktres.

Teejay, maraming natutunan kay Jerome

Napapanood na ngayon sa pamamagitan ng Upstream.ph ang walong episodes para sa ikalawang yugto ng BenXJim  na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez. Itinuturing daw ni Jerome na swerte sila ni Teejay para sa isa’t isa mula nang magkatambal noong isang taon sa naturang boys’ love series. “Swerte kami sa isa’t isa. Hindi namin na-expect na gano’n ka-effective ang chemistry namin sa audience. Tapos ngayon tinatawag kaming successful love team,” pahayag ni Jerome.

Malaki rin ang pasasalamat ni Teejay kay Jerome dahil maraming bagay umano ang natutunan nito mula sa aktor. “Malaking blessing si Jerome sa akin. Marami akong natutunan sa kanya. Very happy na napili ako to be his partner,” pahayag naman ni Teejay.

Ayon pa kay Teejay ay talagang mas kaabang-abang ang kanilang mga eksena ngayon ni Jerome sa second season ng naturang BL series. “Mas mature kami dito. Maraming bago, real talk, real issues about love,” pagtatapos ni Teejay. Reports from JCC

 

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with