^
Jessy may personal shopper na, takot na uling mapahiya sa luxury brand shop
Jessy

Jessy may personal shopper na, takot na uling mapahiya sa luxury brand shop

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2021 - 12:00am

Hindi lamang minsan kundi dalawang beses na nakaranas si Jessy Mendiola nang pangmamata ng ilang banyaga sa ibang bansa. Nangyari umano ang insidenteng ito noong nagpunta ang aktres sa tindahan ng isang sikat na luxury brand. “This happened mga three years ago or four years ago. I went in sa isang Chanel store and I asked about the classic Chanel Flap. First time kong magkakaroon ng Chanel Flap, excited ako. Nawawalan ako ng loob every time na nagpa-price increase sila. Tapos hindi ko maabot ‘yung bag na gusto ko kasi pamahal siya nang pamahal. So no’ng time na meron na akong chance makabili kasi nakapag-ipon na ako, I went sa Chanel store,” kwento ni Jessy sa kanyang YouTube channel.

“Pumasok ako tapos nagtanong ako sa isang sales associate if may mga available na mga classic Flap bags. Tiningnan niya ‘ko from head to toe. Tapos hindi niya ako pinansin, medyo napahiya ako. Ginawa ko na lang, umalis na lang ako. Kasi siyempre di ba, bakit ka pa pupunta doon? Bakit ka pa bibili ng bag kung gagano’n lang din naman, bibili naman ako,” dagdag ng aktres.

Pagkalipas ng ilang taon ay muling naranasan ng dalaga ang kaparehong insidente sa Taiwan. “Second time was in Taiwan, mga two years ago lang. Pumunta ako sa isang Chanel store kasi gusto ko naman bumili ng wallet at sunglasses. Pinapakita ko sa sales associate ‘yung pictures ng gusto ko. Tapos hindi man lang niya tiningnan ‘yung phone ko. Tapos dinaan-daanan lang niya ako. Wala namang (ibang) tao nun,” pagdedetalye ni Jessy.

Dahil sa mga naranasang pamamahiya ay hindi na umano mu­ling nagbalak ang aktres na bumisita sa naturang shops. Sa halip ay humanap na lamang si Jessy ng reseller sa Pilipinas na madaling kausap. Kamakailan ay isang bagong Chanel bag ang nabili ng dalaga sa nakilalang reseller. “The reason why I like buying from resellers or personal shoppers, natatakot na ako pumunta sa boutique ng store,” pagtatapat niya.

Ronnie, nangangarap maka-duet si Gino

Mapakikinggan na ngayon sa iba’t ibang digital music platforms ang kantang Closer You and I ni Ronnie Liang. Masayang-masaya ang singer dahil nabigyan siya ng pagkakataong mai-revive ang kantang pinasikat ni Gino Padilla noong dekada otsenta. “I am excited and happy na nabigyan ng privilege na mai-record ang kantang Closer you and I. Nagpapasalamat ako sa Viva Publi­shing & House of Tunes for allowing me to record, for this honor to have a version of Gino Padilla’s hit song.Iba pa rin ang isang Gino Padilla, di ito mapapanta­yan. Isa siya sa mga OPM singer na tinitingala at hinahangaan nang husto. Unang kanta niya din na na-record ko ‘yung Gusto Kita. Nagpapasalamat ako sa public sa mainit na pagtanggap nila sa Gusto Kita and looking forward po ako sa new song ko na Closer You and I na magustuhan din ng mga kababayan natin na mahilig sa music lalo na sa mga love songs,” nakangiting pahayag ni Ronnie.

Aminado ang singer na talagang hinahangaan na niya noon pa man si Gino dahil sa mga kanta nito. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nangangarap din si Ronnie na makatrabaho ang beteranong singer sa mga proyekto. “Si Sir Gino, isa sa mga hinahangaan ko. Gusto kong magpasalamat sa kanya sa napakalaking contribution niya sa music industry lalo na sa OPM. Sana makagawa kami ng kanta din na duet kami, and looking forward na magkasama kami sa live show like concerts if ma-lift na ang quarantine,” paglalahad ng binata.

Naisipan umano ni Ronnie na makagawa ng sariling bersyon ng ‘Closer You and I’ upang makapagpasaya sa mga kababayang patuloy na humaharap sa hamon ng buhay. “Ako mismo ang pumili and self-produced nito actually. I was thinking ano pa pwedeng gawin upang makapagpasaya sa mga kababayan natin na may mga pinagdaraanang pagsubok especially ngayong panahon na may pandemya, mga nakararanas ng depression and frustration. I am hoping and praying na this song, this version of mine will help them to boost their morale and to inspire them na tuloy lang ang buhay. Lalo na ang mag-express ng love regardless of the situations or mga nangyayari sa paligid natin na wala na tayong control,” pagbabahagi ng singer. -Reports from JCC-

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with