^

PSN Showbiz

Single ni Lovi na ginawa sa Amerika, maririnig na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Single ni Lovi na ginawa sa Amerika, maririnig na
Lovi

Masayang nairaos ni Lovi Poe ang kanyang kaarawan habang naka-lock in taping sa bagong drama series niyang Owe My Love.

Kasabay pa niyang nag-birthday doon si Jackie Lou Blanco na naging ka-close na niya.

Parang hindi naman siya nalayo sa mga loved ones niya dahil bukod sa pa-surprise ng kanyang boyfriend na si Monty Blencowe, nag-effort din ang buong production staff at cast ng Owe My Love na bigyan nga siya ng surprise birthday treat sa set. 

“Hindi naman malungkot ang birthday kasi masaya kami lahat dito. I’m just so happy na for the first time ko na-experience ‘yung lock in taping.

“Lahat ng mga kasama ko napakagaan. Plus the story of Owe My Love is very light. Although medyo mabigat ang pinagdaraanan ng story namin ngayon, pero hindi maiwasang maging comedy lahat, kasi nandiyan sina Pekto, Kiray ‘yung mga comedian,” pakli ni Lovi nang makatsikahan namin virtually noong nakaraang Huwebes ng tanghali.

Sa Lunes, February 15, na magsisimula ang Owe My Love at ang isa pa sa ikina-excite niya ay siya ang pinakanta ng theme song nitong With A Smile kasama ang Loboc Children’s Choir. Gusto na rin kasing balikan ni Lovi ang pagkanta.

Nakatakda nang i-release ang single niyang Under sa February 25 sa Spotify at Apple Music at sa February 26 naman ang Music video nito sa Vevo at YouTube. Ini-record ito ni Lovi sa Los Angeles, California sa ilalim ng VIM Entertainment na siya na ring maglulunsad ng music career niya sa Amerika. “It’s something that it’s very fulfilling for me kasi nga I was able to record it in LA. So, that’s something that I’m looking forward na maipakita sa inyo,”  masaya niyang kuwento.

Doon din kinunan ang buong music video na talagang pinaghandaan daw ang production. “Full production siya because sa studio namin siya ginawa…because we have this effects na parang ganun. It was very beautiful,” dagdag niyang kuwento.

Kaya hindi malayong magkakaroon na siya uli ng concert kahit virtual lang muna.

“Why not? Since, bumabalik na rin naman ako sa music, why not. That would be something that I wanna do,” bulalas ni Lovi.

Pero abangan daw muna natin ang Owe My Love sa Lunes na kung saan ka-partner niya rito si Benjamin Alves na isa sa close friends niya, kaya komportable siyang makaeksena ito.

Mala-K-drama raw ang atake na kahit walang kissing scenes, nandiyan pa rin ang kilig-kiligan sa mga eksena nila. “Ang attack namin dito is very like K-drama na malakas ‘yung pangkilig. It has less intimate scenes like K-drama which I also like.

“Pero malakas ‘yung emotional connection na ma-experience ng audience,” saad pa ni Lovi.

AKTOR NA GUWAPO AT LAGING MAY GF,

panay ang PANGHIHIPO

SA MGA katrabahong aktor

Marami na ang nakakaramdam na may bahid talaga ng kabadingan ang guwapong aktor, kaya medyo ilag na ang mga co-actor niya.

Minsan kasi idinadaan lang sa biro, pero ang ilang biro niya ay iba na at halatang gustong makaboso at minsan nakakahipo pa. 

Kaya kapag lumalapit itong si guwapong actor at nagpapaka-clingy minsan sa ilang kaibigang aktor, na umaakbay, minsan ay hawak-hawak pa sa binti, kaagad na umiiwas sila dahil parang may nararamdaman na silang malisya.

Pero ang gagandang girls ang madalas na ka-date nito at hindi nawawalan ng girlfriends. Pero baka nga nai-enjoy din niya ang mga ma­titipunong katawan ng mga kaibigan at katrabaho niyang aktor na kasing-guwapo rin niya.

Maja kumpirmadong magla-lock in sa TV5

Matunog pa ring pinag-uusapan na magi­ging Kapuso na si Maja Salvador, pero consistent ang pagtanggi ng ilang taga-GMA 7 na napagtanungan namin.

Ang sure na tuloy ay ang gagawing soap ni Maja para sa TV5. Kaya paano siya makakagawa ng drama series sa GMA 7?

Si Empoy Marquez na ang nagsabing magsisimula na silang mag-lock-in taping ni Maja para sa isang soap para sa TV5.

 

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with