_ngayon
^

PSN Showbiz

Tambalan nina Charlie at Jameson, magpapakilig sa MMK

Pilipino Star Ngayon
Tambalan nina Charlie at Jameson, magpapakilig sa MMK
Charlie at Jameson

MANILA, Philippines — Maghahatid ng kilig ang Metro Manila Film Festival best actress na si Charlie Dizon at Jameson Blake ngayong Sabado sa kanilang pagganap bilang high school sweethearts na susubukin ang relasyon sa pagpasok ng dalawang tao sa buhay ng bawat isa.   

Mula sa magkaibang mundo sina Gerard (Jameson) at Jobel (Charlie)—kilalang heartthrob at happy go lucky si Gerard at anak-mayaman, samantalang class valedictorian at scholar naman si Jobel.   

Kahit malaki ang pagkakaiba, pinagbuklod sila ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Ngunit susubukin sila ng panahon nang tumuntong sila ng kolehiyo kung saan parehas silang kumukuha ng kursong nursing. Dahil sa pagiging palabiro ni Gerard, mauugnay siya sa isang babae.   

Hindi nagtagal, mapapagtanto rin niya ang pagkakamali at babalik kay Jobel. Subalit sa pagrereview ni Jobel sa nursing board exams, makikilala niya si Christian (Jason Dy), isang masipag at maka-Diyos na binata.  

Ano kaya ang magiging papel ni Christian sa pag-iibigan nina Gerard at Jobel? Mahulog kaya si Jobel dito? Paano na kaya si Gerard?  

Sundan ang mga kuwento ng pag-ibig mula sa Maalaala Mo Kaya tuwing Sabado, 8:45 p.m ngayong Pebrero sa A2Z sa free TV at digital TV boxes tulad ng TV Plus.

Mapapanood din ito tuwing Sabado, 9 p.m sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at sa karamihang channels na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association) at digital TV boxes.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with