Tested din daw sa mga kaibigan, pagsusuot ng bagong red underwear umepekto kay Kim!

Kim
STAR/ File

Sa Friday na ang Chinese New Year, February 12, at as usual kahit may pandemic ay marami pa rin ang umaasa na magiging mas magaan na ang 2021.

Pero ayon sa online articles, ang year of the Ox ay under sa metal element gaya ng Rat noong 2020.

Though, ang taon na ito raw ay puno ng career opportunities pero right time para magpakasal at magsimula ng pamilya para sa mga pinanganak sa Year of the Ox ayon sa astrology experts.

Sinasabi rin nila na ang mga ipinanganak ng Year of the Ox ay mga independent, matatatag at matigas ang ulo!

Kabilang sa mga celebrity na pinanganak sa Year of the Ox sina Angel Locsin, Heart Evangelista, Willie Revillame, KC Concepcion, Lorna Tolentino, Solenn Heussaff, John Estrada, Barbie Forteza, Camille Prats and Ruru Madrid.

Kasama nga ang topic na ito sa pinag-usapan sa Take It... Per Minute, Me Ganun nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu sa episode 87 ng no. 1 digital talk show kahapon.

Pero ang talagang true blooded Chinese na si Kim Chiu ay alam na alam na ang mga pampapasuwerte tuwing dara­ting ang Lunar New Year.

Sa kanyang vlog nga ay nagbigay ng tips si Kim kung paano suwertehin ngayong taon.

At kung si Kris Aquino ay parang nawala na ang masyadong paniniwala sa mga feng-shui expert, Chinese horoscope at Chinese lucky charms, si Kim ay nanatili ang bilib dito.

As in meron siyang suking feng-shui experts at marami siyang feng-shui enhancers.

At nag-share nga siya ng guide, advice at tips ng feng-shui expert tungkol sa love, business, career, kasama ang mga bawal at hindi bawal gawin sa pagsalubong sa New Year kahit hindi mga Chinese at Pinoy na Pinoy.

Nanatiling pampasuwerte daw niya ang kabayong figurines dahil Year of the Horse ang Kapamilya actress. Pang-alis naman niya ng bad vibes ang insenso at nakaka-recharge rin daw ito.

Ayon naman sa kausap niyang feng-shui master, Rooster, Monkey and Tiger ang sobrang suwerte kasama ang Year of the Horse and Dog sa lucky signs. Year of the Rooster si Kim kaya naman tuwang-tuwa siya.

At ang three lucky colors daw – Yellow, Red and Green ayon pa sa feng-shui expert na kausap ni Kim.

At good opportunity daw ang 2021 sa mga single.

Ibinahagi rin niya na importante sa celeb­ration ang tikoy for harmony and balance, puwedeng buchi para dumikit ang mga suwerte, pansit for long life, steamed fish na dapat nasa gitna ng table raw dahil nagre-represent ito ng abundance at prutas para pumasok ang suwerte like ponkan. At dapat daw may shrimp, and green and anything na bilog-bilog

Lucky rin daw na magsuot ng red underwear sa Chinese New Year para sa mga single na gustong magka-love life na proven and tested daw sa kanya pero dapat ayon kay Kim ay bagong underwear. Pinayo na raw niya ito sa mga kaibigan niya at naging effective ito.

Banggit din niya na huwag linisin ang bahay pagsapit ng Bagong Taon for the next three days – Feb. 12,13,14 at 15 na raw dapat maglinis ng bahay.

Year of healing and comeback year din daw ang 2021 at wish niyang matapos na ang pandemya.

Masasabing hindi lucky for Kim ang 2020 dahil sa maraming intrigang nasalihan niya nung nakaraang taon pero nakabangon siya at ngayon nga ay isa sa pinaka-busy pa ring Kapamilya star.

Show comments