Kasalang Angel at Neil, kasado na

Angel
STAR/ File

‘Yung balitang kasalan nina Angel Locsin at Neil Arce na ngayon na raw year na ito magaganap ang excitement ng showbiz . Kasi nga parang malaking challenge ngayong pandemic ang magkaroon ng mala­king okasyon, eh kaya na-delay ito ay dahil nga sa naging restrictions. Hindi nga ba, sabi ng groom dahil hindi nagkaroon ng grand debut, graduation party or any big party ang bride kaya gusto niyang ibigay ang pinaka-grand party sa lahat sa wedding nila.

Paano nga ba magkakaroon ng grande gathering kung merong social distancing? Paano nga kung limited lang ang puwedeng pumunta sa isang party? Wow, exciting talagang makita ang kasalan nina Angel at Neil para lang makita kung paano nila magagawa ang isang okasyon sa panahon ngayon.

Pero sana nga magawa nila dahil once in a lifetime lang ang wedding, ‘yung memories noon will last forever, sana kung ano ang dream wedding ni Angel, iyon ang maganap.

Celebrity endorsers, kailangan pa rin sa mga produkto

Marami pa rin talaga ang products na gustong meron silang star endorser. Kaya tingnan mo, mabili pa rin as image model ang top stars natin.

Si Alden Richards parang the face of GMA, kasi nga basta Alden, GMA ang maiisip mo. Si Scarlet, parang siya na ang Belo trademark, dahil sa kasikatan niya, maiisip mo rin ang Belo Medical.

Merong product na ‘pag nakita mo, ‘yung endorser nila ang agad na maiisip mo. ‘Yung Bossing na detergent alam mo agad na si Pauleen Luna dahil nga siya ang asawa ni Bossing Vic Sotto.

Sa rami ng ambassadors ng Beautederm ni Rhea Tan, now parang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nakatatak sa utak mo.

Mabuti naman dahil nga sa pandemic, akala ng iba mababawasan na ang pagkuha sa stars for endorsement, pero hindi naman at patuloy pa ring active ang advertising world to promote their products.

So far so good, si Cris Roque ng Kamiseta apparel at skin clinic, mataas din ang paniniwala na kailangan pa rin ang mga celebrity to sell products.

Tingnan mo nga si Ben Chan ng Bench, top stars ng Korea ang mga bago niyang models.

Talagang dapat pa ring alagaan ang star value. Kailangan pa rin ito kahit pandemic.

Show comments