^
Sue umuusok ang galit sa nag-viral nilang photo ni Maris na naka-display ang boobs
Maris at Sue
STAR/ File

Sue umuusok ang galit sa nag-viral nilang photo ni Maris na naka-display ang boobs

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

Umaapaw ang galit kahapon ni Sue Ramirez sa nag-viral na photo nila ni Maris Racal na nakabuyangyang ang boobs.

Retokado ang nasabing photo at inilabas niya ang original nito na naka-two piece.

Nagpapatulong din siya sa fans na mahanap kung sinuman ang pinagmulan ng nasabing viral photo.

Unang post nito : “NAKAKADIRI KA. SA LAHAT NG NAGSHARE NETO AT SA DEMONYO SA LUPA NA GUMAWA AT NAG EDIT NG KABABUYAN NA TO, NAKAKATAWA BA TO PARA SAINYO?!!!!

“Sa 8.1M followers ko, nakikiusap ako sainyo. Tulungan niyo ako na matapos na ang kulturang ito. Kulturang bumababoy sa mga kababaihan. Kulturang MAPANIRA. Kulturang KASUKLAM-SUKLAM.

“THIS CAN HAPPEN TO ANYONE. Sa nakakaalam kung san nagsimula ito, pls contact me through DM. Help me get to the bottom of this.

“HINDI NA TAMA ITO. Masyado na kayong nawiwili sa mga panggagago niyo samin. AYOKO NANG MANAHIMIK. ABUSADO KAYO.”

Nauna na niyang ipinost ang original photo nila na ang caption ay : “Repost ko lang ulit tong mga picture na to para hindi kayo NATATANGA sa fake news. Ewan ko ba kung anong dahilan at pinuputakte niyo kami ng ganito. Wag ko lang mahanap ang nagpapakalat ng kung ano-anong katarantaduhan na to. Ayoko na sanang magsalita pero ginagambala niyo ang katahimikan ng buhay ko. Umayos kayo. AT WAG TANGA PLS. Wag basta bastang naniniwala sa mga nakikita online. HINDI KAYO PINALAKING UTO UTO. Pls lang. Sumosobra na kayo. Sa mga nakakatanggap ng picture, siguro naman may delikadesa at respeto kayo enough to know na dapat hindi na kumalat pa ang PAMBABABOY na ito,” ang galit na galit na caption ni Sue na girlfriend ni Javi Benitez na tumatayong president ng Brightlight Productions. Eldest son ni former Cong. Albee si Javi na nag-aral sa Amerika at sumusubok mag-showbiz.

SUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with