^

Magaling na aktres, nabunyag ang rason kaya ayaw ipa­ngalandakan ang relasyon

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2021 - 12:00am

Napansin mo ba, Ateng Salve, ilang beses na ring nagkaroon ng relasyon ang isang kilala at magaling na aktres sa kapwa niya taga-showbiz, pero palaging tahimik siya tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon.

Hindi siya ‘yung tipong palaging isinasali sa mga interview ang tungkol sa kanyang love life.

Karamihan naman sa mga naging relasyon niya ay nagtagal, pero better daw if hindi siya masyadong ma-public tungkol doon.

Paliwanag ng isang taong close kay kilala at maga­ling na aktres, ayaw raw kasi ng kaibigan na pagdating ng araw at may mga anak na siya at nag-Google ang mga ito ng pangalan ni kilala at magaling na aktres ay ang tungkol sa past relationships nito ang unang lalabas.

Saka na lang daw magiging open talaga si kilala at magaling na aktres tungkol sa taong karelasyon at magkukuwento ng tungkol doon kung mauuwi na sa kasalan ‘yon.

Well…

Anyway, sa ngayon, happy naman daw si kilala at magaling na aktres sa relasyon sa isang showbiz guy, pero tahimik pa rin siya tungkol doon.

Marami nga pala sa mga kaibigan ni kilala at magaling na aktres ang umaasang sa kasalan na mauuwi ang relasyon nila ngayon ng nasabing showbiz guy.

All-Out… at ASAP, tuloy na ang banggaan

May new game show raw ang GMA 7 na baka magsimulang mag-taping na rin ngayong Friday.

Ang bongga lang ng Kapuso network at tuluy-tuloy na talaga ang shows nila. Pati ang GMA News TV nila, pinabobongga na rin nila.

Anyway, ang All-Out Sundays kaya nila this week ay mas pabobonggahin nila lalo na at matunog na ang balitang eere na rin sa TV5 ang ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN?

Well… Abangan!

Pokwang, hindi pabor sa parinigan

Speaking of ABS-CBN and TV5’s partnership sa ASAP Natin ‘To, tinanong ko ang dating Kapa­milya talent na si Pokwang tungkol doon.

Isa si Pokwang sa Kapamilya stars na nag-TV5 kamakailan.

Natsugi man ang morning show niya na Chika, BESH! ay may Fill In The Bank game show pa rin naman sila ni Jose Manalo sa TV5.

Happy ba siya sa nasabing partnership? “Super happy para may trabaho ang lahat at walang nasasayang na talento. Kailangan ng industriya ang magtulungan sa ganitong panahon, tama na ang pasaringan kasi pare-pareho namang nadagukan ang lahat, malaki man o maliit na artista, malaki or maliit na producers apektado lahat!

“Kaya oras na ng pagtutulungan hindi ng okrayan or pataasan ng ihi! dahil ang labanan ngayon patibayan ng kalusugan hindi payamanan or sino ang sikat hahhahaha walang pinipili si COVID mare.

“So be nice and humble,” sey pa ni Pokwang.

Happy birthday…

Ang intimate family dinner ni Raymond Gutierrez kagabi sa Shanghai Saloon sa Podium mall kagabi sa Ortigas Center.

Ngayon ang 37th birthday ni Raymond at ng twin-brother niyang si Richard Gutierrez.

Happy, happy birthday, Raymond and Richard! ‘Yun na!

AKTRES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with