^
Derek ayaw nang mag-explain!
TIPMMG
STAR/ File

Derek ayaw nang mag-explain!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2021 - 12:00am

Hunk actor, pinalayas ng tirahan

Inaabangan kung makakatulong ang ingay kina Derek Ramsay and Ellen Adarna sa sitcom nina Ellen and John Estrada na mapapanood sa TV5. Nag-start ang ingay nang mag-host ng dinner si Derek for his neighbors na sina Ruffa Gutierrez and Ellen.

Na nasundan ng dinner uli nina Derek at Ellen na sabi ni Ellen ay marami naman sila nang nabuko habang ini-interview si Ellen sa One PH na nasa bahay pala ni Derek.

Kaya naman kinuyog na naman ng bashers si Derek dahil kasasabi lang nitong gusto muna niyang maging single, pero heto at magkasama sila.

Pero sagot nito : “Whatever you hear about me please believe it. I no longer have time to explain myself. You can also add some if you want,” cryptic post ng aktor.

Walang tigil ang issue kay Derek after ng breakup nila ni Andrea Torres.

Kasama ang issue kina Derek and Ellen sa naging topic sa Take It... Per Minute, Me Ganun kahapon nina Manay Lolit, Manay Cristy and Mr. Fu na second year anniversary na pala sa February 19.

Anyway, prior to Derek’s cryptic post ay nag-post na rin si Ellen ng “Thats me, ##malaya by @lynyrd_paras” na sa kanilang conversation sa comment section ay makikitang “wag na tayong bumalik donnnn... no entry na daw. Bawal ng pumasok hahahahaha”

lynyrd_paras : “@maria.elena.adarna wala ng balikan sa dilim hahaha! mas ok na ngayon,” na ang hula siyempre ng lahat ay patungkol kay John Lloyd Cruz.

Anyway, opening blind item naman kahapon sa Best Digital Entertainment Talk Show ng GEMS ang tungkol sa hunk actor na madatung na married man pala ang karelasyon. Yup as in may mga anak pa raw ito sa kanyang misis.

Pero nabuko na raw ang relasyon nito ng misis ng may asawang lalaki kaya pinalayas ang actor sa tirahan nito na ang married man pala ang nagbabayad.

Kilalang-kilala ni Nay Cristy ang nasabing mayamang may asawa dahil kaibigan niya pero ayaw pa niya itong ibuko kahapon sa TIPMMG.

Kaloka.

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood sa episode kahapon ng TIPMMG, maki-team replay sa Facebook page at YouTube Channel ng Pilipino Star NGAYON.

TIPMMG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with