^
Ex ni Joem pumiyok na niloko ng aktor!
Crisha Uy

Ex ni Joem pumiyok na niloko ng aktor!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

Nang lumabas ang balitang may anak na sina Joem Bascon at Meryll Soriano, ang isa sa unang pumasok sa utak namin ay ano kaya ang reaksyon diyan ng ex-girlfriend ng aktor na si Crisha Uy?

Two years ago ay nag-iiyak pa sa kanyang vlog si Crisha dahil mahirap sa kanyang tanggaping hiwalay na sila ni Joem na nakarelasyon niya ng walong taon.

Ngayong lumabas nang totoong nagkabalikan sina Joem at Meryll at ang latest ay may baby na sila, doon daw nakumpirma ni Crisha ang lahat ng mga agam-agam na itinatanggi pa noon ng aktor.

Inilabas ni Crisha sa kanyang vlog ang lahat ng nararamdaman niya at nilinaw niyang alam na raw niya ito noon pa, bago pa man ito lumabas ang balita.

May common friends daw silang nagparating nito sa kanya at bumalik daw ang dating nararamdaman dahil doon daw niya nakumpirmang nagsinungaling daw pala talaga sa kanya noon si Joem. “Nagalit ako kasi bumalik ‘yung feelings ko na I was betrayed all over again,” bahagi ng mahabang pahayag ni Crisha sa kanyang vlog.

“Iba pala ‘yung feeling na nakita mo versus kinuwento o tsinika lang sa ‘yo. Parang feeling ko kasi kailangan kong ilabas ‘yung naramdaman ko that day na ‘yung galit ko o ‘yung sakit na ‘yun o ano ang naramdaman ko that day. Hindi dahil mahal ko pa siya, kundi you know…kasi naka-move on na ako eh.

“Ano lang…finally na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That I was lied to. Kasi I gave them the benefit of the doubt before, pero ‘yun nga sampal pala sa mukha nung nakita ko nun. Sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko nun…na finally girl, confirmed!”

Sinagot ni Crisha ang ilang katanungan sa kanya at isa nga rito ay bakit hindi sila nagka-baby ni Joem sa loob ng walong taong pagsasama. “We were planning to get married saka na kami magka-family. Pero ‘yun nga, I thank God na hindi natuloy ‘yun kasi we are not really meant to be and…God is good.”

Sinasabi niyang nakapag-move on na siya, at ang dami na niyang nailuha kaya dapat ay moved on na raw siya ngayon, at ang dami na raw niyang natutunan sa masakit na karanasang iyon. “Naiyak ko na ‘yan nung 2019 pa. So, 2021 na, let’s move on. Proseso talaga ang lahat eh.

“You know, somewhere along the way talagang madadapa ka tulad ng hurdles na ganito. Pero, hindi ibig sabihin magpatalo ka sa emotions mo. Sa mga nakaranas ng tulad nito, huwag kayo magmadali. I hope na tulungan n’yo ako to close this chapter in my life. 

I guess the greatest take away sa lahat ng ito, including the recent, ang importance is honesty. Kasi kung may honesty, may maiwan na respeto sa isa’t-isa. Ngayon ay open na ako…ready na ako sa mga darating. I am now wiser, clever,” saad pa ng make-up artist/vlogger.

Putukan pumatok...

Ang daming pumatol sa parody Twitter account ng ina ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na si Mommy Pinty na halos 40k followers na lalong kinaaliwan dahil pinatulan din naman kasi ni Alex.

Mas kinagat nga ng netizens dahil sa sagutan nilang ‘naputukan’ na si Alex pero nilinaw ni Alex na walang Twitter account ang Mommy Pinty niya at pati ang asawa niyang si Councilor Mikee Morada.

Marami naman ang natuwa sa balitang kasal na sila dahil alam na rin pala ito ng mga close friends nila. Isa nga sa nag-post sa kanyang TikTok account ang kaibigan niyang writer at director na si Fifth Solomon. Saksi siya sa kasalang iyun kaya ngayon lang din niya ipinost ito.

Isa sa huling post ni Alex ay ipinakita na niya ang room niya na dati ay mag-isa lang siya. Pero ngayon ay may kasama na siya, ang kanyang mister.

Pornstar... Rated X

Isinabmit din pala ng Viva sa MTRCB ang pelikula nilang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar. Na-X daw ito, kuwento sa amin ni Ara Mina nang makapanayam namin noong nakaraang Biyernes ng gabi.

May ilang lugar kasing nasa MGCQ na kaya may mga bukas na silang sinehan at susubukan sana nilang ipalabas doon. Pero na-X nga ito kaya hindi pa raw niya alam kung may babawasin para mabago ang classification na ibinigay ng MTRCB.

Naka-lock in din kasi sila ng shooting at sa tent daw nila ay silang apat lang daw ang magkasama, sina Alma Moreno, Rosanna Roces at Maui Taylor.

Tampok din sa pelikulang ito sina AJ Raval, Ana Jalandoni at Rose Van Ginkel.

Sa January 29 na mapapanood ito sa Vivamax sa halagang P149 lamang ang ticket.

 

                                    

CRISHA UY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with