^

PSN Showbiz

Derek ayaw paniwalaang gusto munang maging single

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

“Stay single na muna,” sagot ni Derek Ramsay sa nagtatanong sa kanya kung kailan siya magkakaroon ng bagong girlfriend. Pero mukhang marami ang hindi makapaniwala sa sinabing iyon ni Derek. “Paano kung siya na mismo ang nilalapitan,” sabi pa nila.

Napakarami nang “failed” love affairs ni Derek. Siguro bukod nga sa pinakasalan niya noong si Mary Christine Jolly, kung kanino may anak din siya - si Austin, ilan na nga ba ang naka-live in niya?

Bago sila nag-live in sandali ni Andres Torres, mahabang panahon din silang nag-live in ni Angelica Panganiban at inakala nga ng iba na matutuloy na iyon sa kasalan. Bago iyon nagkaroon din siya ng seryosong relasyon kina Solenn Heusaff at Cristine Reyes. Mga artista lamang iyan. May ilan pang modelo na naka-affair din niya. Kaya nga sinasabi nila na si Derek ay hindi raw mabubuhay ng walang girlfriend at mahirap niyang iwasan dahil may mga luma­lapit naman sa kanya.

Pero siguro nga, dahil na rin naman sa siguro napapagod na rin siya sa mga ganyang relasyon kaya sinasabi niyang gusto muna niyang magpahinga, “single na lang muna” siya. Mahirap naman nating kontrahin iyon agad dahil siya mismo ang nagsabi at baka nga pangatawanan na muna niya sa ngayon.

Hindi mo rin maiiwasan na marami ang magduda, dahil sa buong panahon na nakilala ng publiko si Derek, talaga namang hindi siya nawawalan ng girlfriend, pero dumarating din naman talaga sa tao iyong nagbabago rin ng diskarte sa buhay.

Tiyak naman iyan, kung magkakaroon ng girlfriend si Derek imposibleng hindi mabalita. Marami ang nakabantay sa kanya.

Let’s just hope na sa susunod na ma-in love si Derek at magkaroon ng relas­yon ay pang-matagalan na, after all nasa tamang edad na siya at dapat magkaroon na ng sarili niyang pamilya. Kung hindi, baka hindi na niya ma-enjoy ang paglaki ng mga anak niya.

Voltes V pinatigil noon dahil sa sobrang violence

Sa natatandaan namin, kaya pinatigil dito sa Pilipinas ang seryeng Voltes V noong araw dahil sobrang violence. Iyon namang naging batayan doon ay nagmula mismo sa Information Ministry ng Japan noong 1975, na nagsabing ang bata na madalas na makapanood ng violence kahit na sabihin mong anime lamang iyan ay nagiging mga juvenile delinquent kasi parang nagiging normal na sa kanila ang violence. Iyon ang dahilan kung bakit ipinatigil iyan.

Ngayon, ibabalik nila at hindi lang basta anime, kung ‘di mga tao talaga ang gaganap at may computer graphics na gagamitin. Hindi lang natin alam kung gaano katindi ang karahasang makikita diyan seryeng iyan.

Kung matindi rin ang violence, at mapapanood iyan ng inyong mga anak, maghanda na kayo ng pampiyansa sa pagdating ng araw.

Aktres na bida sa isang malaking proyekto, hindi makaarte kaya nilayasan naman ng direktor

“Isinumpa”. Iyan ang sinasabi nila tungkol sa isang project na nilayasan na ng director noon nang ilang ulit at laging hindi matuluy-tuloy dahil sa kung anu-anong indulto.

Pero ngayon matindi ang problema, kasi iyong napili nilang bidang babae, malakas nga ang katawan, pero hindi naman daw maka-arte, at magawa kung ano ang gusto ni direk hanggang sa mag-walk out na lang iyon.

Dahil diyan, mukhang mabibigo nga sila na iyan ang ipantapat sa isang inaasahan nilang malakas na seryeng ipapasok ng kanilang kalaban. Takot naman silang lalong tumaob kung ang ipapasok nila ay drama na naman. Masyado na kasing maraming drama at romcom na teleserye.

Kasalanan din naman kasi nila eh. Announce sila nang announce na may artistang silang maganda na hindi naman nila alam hindi pala marunong umarte at hindi na mapipiga.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with