^

Babaeng may korona at may-asawa, huli sa aktong may ibang kasama sa kama

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

Aliw na aliw ang nakapalibot sa aming source habang binabalikan nito ang isang anekdotang kinapapalo­oban ng tatlong personalidad na parang sa pelikula lang nagaganap.

Kung minsan ay para silang kinikilig, kung minsan naman ay napapahagalpak sila sa katatawa, pero kung minsan naman ay para silang nanonood ng pelikulang katatakutan sa ikot ng kuwento ng aming impormante.

Kuwento ng aming saksi sa istorya ng tatlong personalidad, “Ang bumibidang male personality sa kuwentong ito, e, sikat. Meron na siyang napatunayan bilang aktor. Magaling siya sa pakikipagbarilan.

“Ang dalawang babae namang kasali sa kuwento, e, isang mataray na female personality pero nasa tama naman ang pagtataray, saka isang babaeng may putong na korona sa ulo,” pagpapakilala ng aming source sa mga starring sa kuwentong ito.

Naging magkarelasyon ang may katarayang aktres at ang male personality nang magkasama sila sa isang sitcom. Matalino ang female personality, palaban, kaya nahulog ang loob ng action star sa babae.

Patuloy ng aming source, “Hindi naman sila nag-live-in, papunta-punta lang ang action star sa bahay ng girl, pero okey na sila sa ganu’ng set-up.

“Magaling mag-alaga ang girl, masarap siyang magluto, asikasung-asikaso niya ang male personality. ‘Yun ang dahilan kung bakit parang ayaw nang umalis ng guy sa bahay niya kapag nagpupunta du’n ang guy.

“Heto na. Playboy ang lalaki, lapitin ng babae, very generous siya. Kahit meron na siyang karelasyon, e, sige pa rin siya nang sige! Du’n na pumapasok sa eksena ang babaeng may putong na korona sa ulo.

“Sa biglang tingin, e, parang walang kamuwangan sa mundo ang girl, napakahin­hin niyang kumilos, pero saan ka! Palaban ang girl!

“Masakit na masakit na ang kamay ng mataray na aktres sa kakakatok sa kuwarto ng action star, pero walang nagbubukas, music lang ang naririnig ng nasa labas ng kuwarto!

“Palaban ang mataray na aktres, sa fire escape siya dumaan, kitang-kita niya ang babaeng may putong na korona sa ulo, bumibiyahe sa langit ng kaligayahan kasama ang kanyang boyfriend!

“Nagwala ang mataray na aktres, gusto na niyang ibuhos sa mukha ng babae ang ipinalutong kare-kare ng action star! May asawa na ang girl na may korona sa ulo, sikat na male personality ang napangasawa niya!

“Nagkaanak ang mataray na aktres at ang action star, guwapo ang anak nila, pinagkakainteresan ngayon ng mga beki! Pero sorry na lang sila, nadagit na ng isang young actress ang bagets na katunog ng manyika ang name!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.

Ubos!

KC napagkamalang nag-iimbita ng lalaki habang nakatuwad

Sa isang yate kuha ang mga retrato ni KC Concepcion habang sarap na sarap siyang nakatuwad. Natural, pupurihin ba siya ng mga kababayan natin sa posisyong ganu’n, kaya busog na busog na naman sa pamba-bash ngayon ang panganay ng Megastar.

Sabi ng isang nagkomento, “Ano ba naman itong si KC? Nakatuwad pa siya na para bang nag-iimbita siya ng lalaking kekemerut sa kanya!”

May isa pa, “Ano ba ito? Nakatuwad pa siya na parang nakikipag-compete siya kay Ivana Alawi! Puwede bang mag-isip-isip muna ang batang ‘yan bago siya magtutuwad?”

At marami pang ibang negatibong komento na mukhang hindi naman binibigyan ng panahon ni KC para sagutin. Parang alikabok lang ang mga pamba-bash sa kanya na dumikit sa kanyang damit na napakadali niyang pitikin lang para mawala.

Nasa wastong edad na si KC Concepcion para malaman ang tama at mali at ang wasto sa hindi. Alam niya ang kanyang ginagawa, nakahanda siya sa anumang gustong isipin ng mga nakaka­kita sa mga ipino-post niyang retrato, siya ang magadadala nu’n at hindi ang mga pumapansin.

P100,000 sangkot sa putulan ng kuryente

Bukas namin idedetalye ang kuwentong naputulan ng kuryente ang bahay ng isang dating karelasyon ng isang kilalang aktor. Isandaang libong piso ang sangkot sa senaryo.

Kayang magsakripisyo ng ex ng aktor, ang ina­alala nito ay ang kanilang dalawang anak, pero sa halip na aksiyunan ay kung anu-ano pang walang kawawaang salita ang naging sagot ng aktor sa kaganapan.

Bukas, pramis, titilarin namin ang isyung ito dahil kakausapin pa lang namin ang impormanteng may malalim na impormasyon tungkol sa putulan ng kuryente.

AKTOR BABAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with