^
Mark Herras at Anna Vicente, tampok sa I Married My Rapist
Mark Herras at Anna Vicente

Mark Herras at Anna Vicente, tampok sa I Married My Rapist

(Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pagbibidahan nina Mark Herras at Anna Vicente ang bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong araw.

Gaganap si Anna bilang Rose, isang dalagang makikipagsapalaran sa Maynila habang si Mark naman si Benji, isang guwardiya sa subdivision kung saan namamasukan si Rose.

Manliligaw si Benji kay Rose pero tatanggihan siya ng dalaga. Dahil hindi niya matanggap ang pagtanggi ni Rose sa kanya, magagawa ni Benji na dukutin ang dalaga at pagsamantalahan ito. 

Magiging tampulan ng tsismis ang nangyari kay Rose kaya aatakihin sa puso ang kanyang ama. Mag-aalok naman si Benji ng tulong sa pagpapagamot nito kapalit ng pag-urong ni Rose ng kaso. Bukod dito, aalukin pa niya ng kasal si Rose para patunayan ang kanyang tunay na pag-ibig para sa dalaga.

Paano magagawang makisama ni Rose sa taong nagsamantala sa kanya?

Abangan ‘yan sa #MPK na pinamagatang I Married My Rapist ngayong Sabado, 8 p.m. sa GMA 7. 

 

 

 

 

 

MARK HERRAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with