Star Magic, nire-reorganize ni Direk Lauren
Busy si Direk Lauren Dyogi ngayon reorganizing Star Magic bilang bagong head ng talent arm ng ABS-CBN. Pinalitan niya sa posisyon si Mariole Alberto. Si Mr. Johnny Manahan ang naunang nagpatakbo rito.
Ayon kay Direk Lauren, may for renewal, may existing pa at mga mga bagong contract ang mga artista nila.
Pangungunahan pa rin niya, kasama ang Star Magic team, ang pagtuklas, paggabay at pagma-manage ng mga artista. Patuloy rin silang maghahanap ng mga oportunidad na babagay sa mga Star Magic artist.
Ang bagong tungkulin ni Direk Lauren ay dagdag pa sa posisyon niya bilang Head ng Entertainment Production / Star Hunt.
May adjustments lang daw sila dahil bukod sa walang franchise sa kasalukuyan ang network, may pandemic pa rin kaya hindi rin sila masyadong nakakapag-train ng mga talent particularly workshop na kailangan sa mga nangangarap maging star.
Mahirap daw mag-workshop virtually kaya binabalak nilang mag-put up ng workshop camp para kahit one week ay magkaroon ng physical training / workshop.
Anyway, nang tanungin ko si Direk Lauren kung may schedule na ba ng contract signing with them si Janine Gutierrez, sagot nito ay wala pa raw.
- Latest