Lani, ipinakita ang ginagamit na hearing aid

Lani

Ipinakita ni Asia’s Nigh­tingale Lani Misalucha ang ginagamit niyang hearing aids.

Yup, kailangan na raw talaga niyang gumamit nito dahil sa iniwang ‘souvenir’ ng bacterial meningitis.

Bukod sa hearing loss, nagkaroon din sila ng vestibular dysfunction na every galaw daw nila ng ulo ng husband niya ay may hilo silang nararamdaman.

Pero mas grabe raw ang pagkabingi at pagkahilo ng asawa niyang si Noli kesa sa kanya ayon sa video upload ni Ms. Lani sa kanyang Instagram account last Tuesday.

Nauna na siyang nag-post ng “Mag red lipstick kaya ako?

“Matagal din na lumobo ang mukha ko (pati na rin katawan) dahil sa matagal na pag take ko ng steroids para sa inflammation sa nerves ng brain ko. Kaya pag pasensyahan nyo na ang first fekture of the year ko dito sa IG bilang lumiit na ng konti ang mukeels ko.

“Sana naman so far happy ang 2021 nyo.”

Dasal ang mensahe ng kanyang friends and followers sa kanyang magkasunod na post.

Nagkaroon ang mag-asawa ng bacterial meningitis last October kung saan sila parehong na-ICU.

Show comments