^

PSN Showbiz

‘Sana, wala kang ending’ Angelica inilantad na ang bagong karelasyon

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
�Sana, wala kang ending� Angelica inilantad na ang bagong karelasyon
Angelica

New love for Angelica Panganiban ngayong 2021 matapos niyang ilantad sa social media ang kissing photo nila ng sinasabing boyfriend niya.

“Kung isa kang pelikula, sana, wala kang ending...,” ang caption niya sa nasabing photo ng sinasabing non-showbiz boyfriend niya na isang businessman.

Masaya naman ang friends niya sa nasabing paglalantad ni Angelica ng kanyang lovelife sa pagpasok ng bagong taon.

Bukod sa pinusuan ng mara­ming followers niya, sabi ni Angel Locsin “Ayan naaaaa!”

 Si Arci Muñoz ay “Love ko kayo masaya akooooooooo.” Magkatrabaho sina Angelica and Arci sa matatapos na teleseryeng Walang Hanggang Paalam.

Sabi naman ni Kim Chiu “Pasabog.”

Kaya obviously, alam na ng mga kaibigan niya ang tungkol dito.

Gregg Homan ang sinasabing name ng negosyante from Subic.

May lumabas dating screenshot ng reply ni Angelica sa post nga ni  Gregg Homan kung saan ‘honn’ ang tawagan nila.

“Not the normal we want but what we got at the moment. This too shall pass. Must keep pu­shing ahead.”

At ang sagot ni Angelica : “Come home na.”

 “Just a few more days Honn.”  sagot naman ng sinasabing negos­yante.

Kasama diumano ito sa nag-o-operate ng Bay Marine Subic  na guma­gawa ng aluminum boats at iba pang water crafts kaya raw makikitang sakay ng ­sosyal na boat si Angelica. Isa rin daw ito sa mga may-ari ng ng Mangrove Resort Subic kung saan din nagpupunta si Angelica.

Kaya sinasabi nilang rich guy ito na low key lang.

Lumutang actually ang tungkol sa kanila nang i-deny ni Zanjoe Ma­rudo na may something na namamagitan sa kanila ng actress na kasama nga niya sa Walang Hanggang Paalam.

May anak na si Carlo Aquino na huling na-link kay Angelica na common knowledge na nagbigay ng heartache sa actress.

MMFF 2020, hindi pa naka-100 million

Hindi raw talaga maganda ang resulta ng magtatapos na Metro Manila Film Festival new normal edition.

Kung last year ay umabot ng P1 billion ang kinita ng eight official entries, ang digital edition, hindi pa umano umabot sa 10% na kita noon.

Though hindi official, pero ‘yun ang umiikot na usapan na diumano’y wala pang 100 million ang income nito samantalang may dagdag na two movies ang latest edition ng film fiesta na tradition na every Christmas.

Masasabi ngang hindi pa handa ang Pinoy moviegoers sa digital na pano­nood ng sine.

Obviously din, iba ang market ng local movies kumpara sa mga nanonood sa streaming provider.

Kasi parang nakakaloka naman na mabilis napirata ang mga MMFF entries samantalang ang mga pinalalabas sa ibang streaming provider hindi naman pina-pirate para ibenta ‘di ba.

 

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with