^
Resulta ng reklamo ni Maine sa NBI, inaabangan ng fans
Maine

Resulta ng reklamo ni Maine sa NBI, inaabangan ng fans

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2020 - 12:00am

Tama lang na magreklamo ang mother ni Maine Mendoza sa NBI sa mga lumabas na malaswang video na idinadawit si Maine. Sobra sa kabastusan ang pagdamay sa pangalan ni Maine, eh kita at alam mo naman na hindi siya ang involved sa sex video na inilabas.

Dapat talagang mahinto na ang kabastusang ito, dahil unfair talaga lalo pa nga at babae ang nadadawit. Kahit pa nga wala namang naniwala na si Maine ang nasa sex video, talagang may karapatan ang mommy niya na magsumbong at habulin ang mga taong nasa likod nito para bigyan sila ng parusa. Isa siguro ito sa nagbigay ng stress kay Rams David during the holidays.

Alam n’yo naman kung gaano kamahal ni Rams ang mga alagang sina Marian Rivera at Maine na parang anak kung ituring niya, kaya hindi kataka-taka na very stressful para sa kanya ang issue na ito.

Well, knowing how Maine can handle all the delicate situations around, sure, kayang-kaya nila ito.

Mga kabataang pinaglalaban ang pangarap, nakakabilib

Isa sa pinakamagandang bagay sa buhay ng tao ay ‘yung may makita siyang pag-asa sa kanyang pangarap? Iyan ang nakita ko sa mga mata ng batang si Beaver habang kinakausap ko sa phone ang Star Magic boss na si Laurenti Dyogi.

Mula pa noong 10 years old si Beaver, pangarap na niyang makapasok sa showbiz, kung saan si Direk Lauren ang namamahala. Ang mga batang tulad nina Javi Benitez at Gino Roque, mga anak-mayaman pero gustong subukin ang showbiz na hindi mapigilan ng parents nila. Iyan din ang case ni Beaver, anak ng mga negosyante na sina Filipina at Alvin Magtalas, may-ari ng mga vacation beach sa Coron at Nueva Ecija, pero heto, suportado ang pangarap ng anak nilang si Beaver.

Habang kausap namin ni Cristy Fermin si Direk Lauren, parang nasa langit ang feeling ni Beaver na meron nang pag-asa. na mabuksan ang pinto sa pangarap niya.

Direk Lauren, thank you for the chance, hindi natin alam ang kapalaran ng mga taong nangangarap, puwedeng magtagumpay, puwede ring mabigo. Pero tulad ng first impression, napakaimportante ng mga oras na feeling mo merong nagbukas ng pinto para sa iyo, very precious ang moment na iyon, at iyon ang binigay mo kay Beaver ng time na kinakausap kita, for that, forever grateful.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with