^
Janine at Kris, pareho ang nangyari!
Kris

Janine at Kris, pareho ang nangyari!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2020 - 12:00am

Alam mo, Salve, gusto kitang batiin sa sinulat mo na hindi ni-renew ng GMA 7 ang kontrata ni Janine Gu­tierrez. Sabay lumabas ng araw na iyon ang balita na lilipat na si Janine sa ibang network.

May malaking pagkakaiba kasi ‘yung lilipat sa hindi na ni-renew ang kontrata. Like in the case of Kris Bernal na hindi na ni-renew kaya nasa TV5 ngayon. Kasi kadalasan parang damage control na ginagawa para sa isang artista na palabasin na lilipat siya at kinukuha ng iba, na ang parang feeling mo may hindi maganda kaya umalis siya sa dating network.

Prerogative ng management na kunin at bigyan ng kontrata ang sinumang talent, nasa kanila ang karapatan kung magkano ang gusto nilang ibigay na talent fee. Ang isang artista ay parang empleyado ng isang network or production, kaya silang dalawa ang nagdi-decide para sa future nila.

Kung hindi ka na ni-renew, puwede kang humanap ng bagong network o management para sa career mo. Karapatan din ng network na mag-decide kung gusto ka pa o hindi na.

Mas mabuti lang na klaro ang lahat, si Janine at Kris  ay hindi ni-renew ang contract sa GMA 7, kaya free silang pumili ng bagong bahay na titirhan. Hindi dahil kinukuha sila ng iba kaya sila umalis, dahil wala na silang kontrata. At walang naging problema.

TIPMMG, pinagtibay ng followers

Bale last episode natin kahapon for the year 2020, Salve. Kahit pa nga affected ng mga Q ang paglabas natin sa Facebook Live ng Take It… Per Minute Me Ganun, every Tuesday ng 12 to 1 p.m., na-survive pa rin natin ang mga hassle ng pandemic. Ikinatuwa natin na tinanggap tayo ng followers kahit pa nga sa panahon na parang puno ng problema ang paligid.

Sa maikling panahon na magkakasama ang tropa, Cristy Fermin, Mr. Fu, Randolf, Gillord, Tina Roa at Japs Gersin, naging very tight ang binding nating lahat. Pandemic friendship nga siguro ang nabuo kasi nga, parang lahat tayo ay excited to see each other sa loob ng ilang oras tuwing Tuesday.

Nabubuo ang Facebook at YouTube natin na TIPMMG nang para lang naglalaro, nag-uusap sa isang kuwarto na tawanan nang tawanan, kung minsan natatapos ang oras nang hindi natin napapansin.

At salamat sa followers na nagpatibay ng ating loob by continuously watching, kahit sa lugar nila ay iba ang oras para mapanood tayo.

I cannot believe noong una, ‘yung mga text na galing sa ibang countries, ‘yung followers natin na para bang malapit lang, iyon pala nasa malayong lugar.

Watch po kayo every Tuesday, at sabay tayong magdasal for a better year, 2021 na, may TIPMMG pa rin, sure na sure.

GMA JANINE GU­TIERREZ KRIS BERNAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with