^

PSN Showbiz

Mga magti-trending na pelikula, inaabangan kung kikita

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

“Shengdan jie kuaile.” Merry Christmas po ang ibig sabihin niyan sa wikang Tsino. Hindi naman masamang bumati kami sa wikang Tsino. Alala­hanin ninyo, tayo ang may pinakamatandang Chinatown sa buong mundo, ang Ongpin. Nasa Pilipinas ang maraming Tsino dahil sa POGO. Kung ganitong araw ng Pasko, ang handa natin ay pansit, lumpiang Shanghai, hamon at kung anu-ano pang lututin ng mga Tsino. Ang kauna-unahang bakuna laban sa COVID na darating sa Pilipinas ay gawa rin sa China. Kaya ok lang na magbatian tayo sa wikang Chinese.

Ngayon ang simula ng MMFF. Sampu ang mga pelikulang kasali sa halip na dating walo lang kagaya ng nakasanayan. Hindi naman problema kahit na ilan pa ang ilabas nila dahil hindi naman sa sinehan ipalalabas iyan kundi sa internet lamang. Hindi masasabi ng kahit na anong pelikula na kulang sila ng sinehan o pangit ang sinehan nila, pare-pareho silang sa internet.

Kaya nga sinasabi rin na ngayon ang lalabas na kita ng pelikula, kung hindi nga sila mahihiyang ilabas iyon, ay totoong reflective ng mga pinanood ng tao. Kasi nga hindi masasabing puno at siksikan kaya may hindi nakapanood. Hindi rin masasabing malalayo kasi ang mga sinehan at kulang pa kaya mahina.

Ganoon pa man, inaasahan namin na may magpapalabas pa rin ng mga pra-la-la na ang pelikula nila ang kumikita.

Uso pa rin sa atin iyong pinagte-trending ang pelikula dahil basta nabalitang ganoon baka maraming gumaya at manood din. Asahan ninyo kahit sa internet ay may gagawa niyan.

Kagaya ng sinabi na namin, dalawang pelikula ang gusto naming mapanood. Ang isa ay ang Suarez: The Healing Priest, na napanood na nga namin ang kabuuan. Ang isa ay iyong The Boy Foretold by the Stars, dahil ang dalawang pelikulang iyan ay kapwa may tinalakay na church tea­chings, na gusto naming malaman kung papaano nga ba tinalakay. Hindi naman namin sinasabing wala kaming interest sa ibang mga pelikula, dahil baka kung may panahon at kung maayos ang connection ng internet at hindi mapuputul-putol ang panonood namin dahil sa kabagalan ng internet ay baka mapanood pa rin namin.

Pero sa kabuuan, ang inaasahan sa festival ay “bo hui zhanquian.”  Huwag na ninyong hilinging isalin namin iyan sa wikang Pilipino. Masakit.

John, hinuhulaan sa Best Actor

Aywan kung mangyayari ngang mananalo si John Arcilla bilang best actor sa kanyang performance sa pelikulang Suarez: The Healing Priest, bagama’t siya ang early favorite para manalo. Maga­ling ang performance ni John, bagama’t unfair kung sasabihin naming siya na ang best actor dahil hindi pa namin napapanood ang ibang mga pelikula. Baka nga hindi rin namin mapanood kaya ayaw naming magbigay ng forecast.

Sa kategoryang best actor, hindi naman pinag-uusapan ang content ng pelikula. Kahit na sabihin pang basura ang pelikula, kung mahusay ang pagkakaganap ng isang actor sa kanyang role, maaari pa rin siyang maging “best actor.” Kaya hindi plus factor para kay John na makatuturan iyong role niya sa Suarez. Pero mahusay siya ha. Sana nga manalo siya.

Pero ngayon pa lang, marami ang humuhula na magkakaroon nga raw ng upset sa mga acting award sa festival, ibig sabihin iyong inaasahang mananalo, baka matalo pa dahil may iba ring nagbigay ng mahuhusay na performance sa kanilang pelikula. Tiyak iyan, basta nagkaroon ng upset lalo na sa best actress, may mga manggagalaiti na naman.

Pero sana huwag lang awards, siguruhin din nila na kikita naman kahit na papaano ang kanilang pelikula.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with