^
Alden, marunong tumupad
Alden
STAR/ File

Alden, marunong tumupad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 24, 2020 - 12:00am

Isang bagay pa na natutunan ko sa buhay ay ang tuparin mo ang promise mo, dahil it will define you as a person. Isang bagay na nakita ko kay Alden Richards ay ‘yung ‘pag may binitiwan siyang salita, talagang tutuparin niya at gagawin niya ang lahat para hindi mabigo ang umasa sa pangako niya.

Iyon siguro ang isa pang reason why Alden Richards is so successful. His word is his command. Basta binitiwan niya ang salita, iyon na, makikita mo na ang katuparan ng salitang iyon.

Kaya huwag nang magtaka ang mga tao kung bakit matagumpay at nagtagal ang isang Alden Richards, masipag, matiyaga at merong isang salita.

Beautederm, parang natalbugan ang ibang beauty products / clinic

Ewan ko kung sadya o baka nalimutan lang ng iba pero parang ‘yung ibang nagbibigay ng regalo, inuulit-ulit ang pagbibigay.

Of course, enjoy pero nagtataka ako bakit nari-repeat ang pagbibigay ng regalo kaya sometimes nire-remind ko pa, ‘di ba nagbigay ka na? Gaya nina Faye at Marivic, nagbigay na noong first week ng December, ngayon may ibinigay na naman.

Pero grabe sa lahat si Rhea Tan ng Beautederm, grabe ha, tatlo, tatlong beses ang Merry Pasko niya.

Ay naku, kung gauge ang pagbibigay niya ng regalo, parang gusto ko na talagang maniwala na tinalo ng Beautederm ang lahat ng beauty products o clinic.

Imagine mo, three times ang pagbibigay niya ng regalo, para bang buong December ang nasa isip niya ay magbigay ng bonus at gifts sa lahat, kaloka talaga Salve, Rhea Tan of Beautederm of paying forward her blessings, sobra-sobra ha.

No wonder malapit ang suwerte sa kanya. Na-feel ko talaga iyon, basta magaan ka magbigay, mabilis din ang balik sa iyo ng suwerte.

BEAUTEDERM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with