^
Sarah at Matteo, nakalipat na sa inuupahang bahay
Sarah at Matteo

Sarah at Matteo, nakalipat na sa inuupahang bahay

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 20, 2020 - 12:00am

Sampung buwan nang kasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ngayon. Ayon sa singer at talagang wala na siyang mahihiling pa sa pagiging mapagmahal, malambing at maalalahanin ng mister. “Matt has always been very sweet, and ano ‘yan, thoughtful. Tsaka clingy nga po, totoo. Sa lahat ng mga kasama niya, very trusting siya. Tapos nai-endear agad siya sa lahat. Tapos ‘yung gusto niya kasama niya palagi, gano’n. Ako sa words po talaga. ‘Mahal mo ba ako?’ Mga gano’n or mga pa-cute, ewan ko ba sa babae, parang mga timang,” natatawang pagbabahagi ni Sarah.

Para sa Popstar Royalty ay talagang magkasundung-magkasundo sila ni Matteo sa halos lahat ng bagay. “’Yung maturity namin magkaiba eh. Merong mga bagay na mature siya, ako immature. Tapos feeling ko mas mature ako sa bagay na ‘to, tapos siya malapit na,” pagtatapat niya.

Samantala, kamakailan ay nakalipat na sa isang malaking bahay ang mag-asawa. Ayon kay Sarah ay nangungupahan pa lamang sila sa ngayon ni Matteo. “Nag-move kami October lang. Mas mentally healthy for us na may outdoor talaga, may garden. Rent lang po and cheaper po ‘yung rent namin so mas magaan,” matipid na pagdedetalye ni Sarah.

Quarantine love nina Elha at Brian, hindi maayos ang hiwalayan

Tumagal lamang ng ilang buwan ang naging relasyon nina Elha Nympha at Brian Gazmen. Itinuturing na isang leksyon ng The Voice Kids champion ang naging hiwalayan nila ng dating kasintahan. “Hindi ko po siya kino-consider na blessing. Kino-consider ko po siya as a lesson and growth po para sa akin. Super happy po. Okay na okay po ako. Wala na po akong sasabihin na iba pa, pero hindi po ako ang reason bakit po kami naghiwalay,” makahulugang pahayag ni Elha.

Nabuo ang pagmamahalan ng dalawang teenager nito lamang panahon ng community quarantine. Marami raw natutunan si Elha mula sa ilang buwang relasyon nila ni Brian. “Kasi quarantine love, pang-quarantine lang. Natutunan ko po na dapat po kilatisin po muna at kilalanin ang tao. Saka maging open kayo sa kung ano po ang sinasabi ng family mo about sa kanya,” paglalahad ng singer.

Noong isang buwan ay kinumpirma ni Brian sa social media ang tungkol sa hiwalayan nila ng dalaga. Pagkatapos nito ay si Elha naman ang nag-post sa pamamagitan ng Instagram Stories na posibleng patungkol sa naging post ng binata. “Ay sad ka pala hahahah. ‘Wag po tayong pa-victim. Pwede ako magsabi ng totoo. Still using me pa rin? May pahabol. Dami likes and shares. Na ol na lang. The audacity,” post ni Elha. (Reports from JCC)

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with