^
Billy at Coleen, muntik nang layasan ang Pilipinas
Billy, Coleen at Baby Amari
STAR/ File

Billy at Coleen, muntik nang layasan ang Pilipinas

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2020 - 12:00am

Parang hindi na nga nakakabigla ‘yung balita na muntik na palang mag-decide sina Billy Crawford at Coleen Garcia na iwan ang showbiz at mag-migrate sa ibang bansa.

That time nga naman, para bang wala na ngang pag-asa dahil sa mga balita na magsasara ang ABS-CBN, tapos parang standstill naman ang career nilang mag-asawa.

Buti na lang at heto, napasok sa TV5 si Billy at mukhang magiging very busy dahil dala-dalawa na nga ang show niya.

Talagang hindi mo alam ang mangyayari sa buhay mo, isang turn of event lang ay puwedeng magbago ang lahat.

Now, parang may bright light sa paligid ni Billy. Tuloy ang buhay, tuloy ang career. Dito pa rin sa Pilipinas ang ­family nina Billy and Coleen at nag-e-enjoy sa pag-aalaga ng kanilang bagong anak . Bongga.

Mayor Lino, mabilis rumesponde

‘Yung telephone courtesy ngayon ko naa-appreciate. ‘Yun bang may mga tao na nag-text ka, or nag-missed call, tapos may time para sagutin ka. Gusto kong purihin si Mayor Lino Cayetano dahil sa courtesy na ito.

Imagine mo, talagang ang bilis ng sagot niya nang mag-text ako sa kanya, to think na sa panahon ngayon na halos lahat ng mayors busy dahil sa pag-aasikaso ng Pasko para sa mga nasasakupan nila, si Cesar Chavez ni Mayor Isko Moreno, si RJ Belmonte ni Mayor Joy Belmonte, si Marivic Larrazabal ni Mayor Abby Binay. Very ideal dahil nga na open ang line nila para sa lahat.

Tawa ako nang tawa kay Mayor Richard Gomez na parang anak ko dahil pinapagalitan ko na almost one day late nang sumagot sa text ko, hah hah, kasi nga abala siya dahil padating noon ang bagyong si Ulysses.

Ang courtesy na iyon is really a big deal, dahil alam mo na ang bind nila sa mga tao hindi nila pinuputol.

Thank you, Mayor Lino  ng Taguig, impressive at pinakita at pinadama mo ang respeto sa mga tumatawag sa iyo.

BILLY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with