_ngayon
^
Ate Vi, handa nang maging lola sa anak nina Luis at Jessy
Jessy, Ate Vi at Luis

Ate Vi, handa nang maging lola sa anak nina Luis at Jessy

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 16, 2020 - 12:00am

Talagang si Cong. Vilma Santos, first and foremost ay isa pa ring mother. Ipinakita niya talaga ang suporta niya sa ­naging engagement nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Matagal nang sinasabi ni Ate Vi na excited na siya sa pag-aasawa ni Luis dahil gusto na niyang magkaroon ng mga apo, and like a regular mother, hayun, masayang-masaya siya na natagpuan na ni Luis ang kanyang ‘the one’ kay Jessy.

Ang suwerte ni Jessy, dahil mukhang very supportive at loving mother si Ate Vi, at para bang iyon lang ay isa nang malaking regalo sa dalawa na malapit nang ikasal.

Hay naku, so Lucky, to be Mrs. Luis Manzano kahit ano pa ang sabihin.

Imagine a groom so stable, para bang wala kang magiging problema sa buhay. Kainggit talaga. Bongga.

Drama movies, masusubukan sa Pasko

On edge na ang lahat ng kasali sa first ever digital edition ng Metro Manila Film Festival ngayong taon. On edge dahil siyempre, first time at hindi mo pa rin alam ang resulta, pero ang lahat ay nagdarasal na sana maging excited din ang lahat ng moviegoers sa bagong platform at maging ganu’n din ang init ng resulta tulad sa mga naunang festival.

Naku ang mga bata talaga ang buhay ng Pasko, kaya mostly pambata ang movies na ginagawa nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin noon, pero now nga, dahil siguro sa bahay na manonood ang marami, mas dagdag ang drama movies.

Suportahan natin ang festival, please.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with