^
Mayor Abby, umiiral ang pagiging pusong ina
Mayor Abby Binay
STAR/ File

Mayor Abby, umiiral ang pagiging pusong ina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2020 - 12:00am

Talagang love tayo ni Mayor Abby Binay, Salve. Pinadala niya ang Florabels gift packs niya sa atin, of course, through our dear mama Marivic Larrazabal na tuwing may kailangan tayo nila Gorgy Rula, na proud Makati resident, ay la­ging handang tumulong.

Imagine nga naman ang mga benefit na natatanggap mo ‘pag taga-Makati ka, talagang gugustuhin mo na doon na tumira. Sure ako na this Christmas, sobra ang trabaho at pagod ni Mayor Abby dahil na nga pandemic at kakaiba ang mga nagaganap sa paligid. Hindi lang financial ayuda ang binigay niya para sa Makati, kundi talagang Mayor Abby made sure na pati ang emotional at mental situation ng lahat ay matutugunan. Hindi nga ba sobra-sobra ang papuri ng mga magulang ng mga batang nag-aaral sa Makati sa ibinigay na tulong ng office of the mayor sa lahat ng nag-aaral online.

Well, iba talaga ‘pag pusong ina ang namamahala, alam ang mga dapat gawin para sa tao.

Mga Belmonte, maraming natutulungan

Hindi pahuhuli ang very loving brother ni Mayor Joy Belmonte na si Papa Miguel sa pagbati sa atin ng Maliga­yang Pasko, Salve, noh, at feel mo talaga ang kanyang pagmamahal dahil kahit nasa sideline lang si Papa Miguel ng kapatid na si Mayor Joy, very supportive siya sa lahat ng mga kaibigan nito.

Ang daming pinasaya ng Belmonte family dahil sa mga gawain nila na pagtulong sa lahat ng may problema ngayong may pandemic pa rin at mara­ming nangangailangan.

Naku, feeling so proud na dalawang fast worker na mayor ang kaibigan natin, dahil patunay ito na kahit saan pa mapunta ang friends natin, hindi sila nakakalimot. So thankful for their love and friendship. Merry Pasko talaga.

SALVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with