_ngayon
^
Luis at Jessy engaged na, singsing ang laki ng bato
Jessy at Luis

Luis at Jessy engaged na, singsing ang laki ng bato

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2020 - 12:00am

Apong wish ni Ate Vi matutupad na ba?

Wow, finally, engaged na sina Luis Manzano and Jessy Mendiola.

May mga hint na silang inilabas two weeks ago pa pero ang akala ng karamihan ay para sa 12/12 sale kahapon sa mga e-commerce platform.

At ‘yun nga, for real. Yey.

Sa Amanpulo nangyari ang pinaka-hihintay ng lahat kung saan nasa bakasyon ang magka-relasyon.

Ilang days na ring nagpo-post si Jessy na Amanpulo ang dateline at doon na rin siya nag-birthday.

Pero si Luis ay walang param­dam na nandun din.

Kaya may gulat factor, pero ang akala talaga ng lahat ay para nga sa promo ng 12/12 sale.

Hahaha.

Hanggang nag-post na sila sa kani-kanilang social media accounts kahapon para sa formal announcement ng kanilang engagement.

Ito na nga ang sinasabi ni Jessy na “when the time is right, I, the Lord will make it happen.”

Nagdiwang ang lahat ng followers and friends nila sa nasabing pasabog ng magkarelasyon na matagal na ring hinihintay ang engagement nila.

“YES” with heart emoji and hashtag na “#JessGotLucky,” ang caption ni Jessy.

Same hashtag naman ang kay Luis with “TheHowHows” na caption.

Binaha ang nasabing posts ng newly engaged couple ng congratulary messages.

Sabi nga ni Jessy, when the time is right, mang­yayari talaga at ‘pag gusto ng Diyos.

Matagal nang hinihintay na pakasal si Luis kahit noong naging sila ni Jennylyn Mercado and Angel Locsin.

Pero ito nga at siya na ang mauuna kesa sa mga ex.

Very vocal si Cong. Vilma Santos na gusto na niyang magkaapo kaya malamang ay hindi na nila patatagalin ang kasalan.

But wait, how much kaya ang worth ng suot na singsing ni Jessy?

Ang laki ng diamonds at kahit sa photos lang ay alam mong sobrang kintab ng bato.

Siguradong milyon-milyon ‘yun.

Congrats Luis and Jessy.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with