Mga senadora, pinag-iinteresan ang mga pinagtsitsismisan

Sen. Nancy Binay
STAR/ File

Curious ako sa mga babae nating senator ha. ‘Pag nasa Senate ba sila nag-uusap kaya sila like ordinary ladies? Nagko-compare ba sila ng notes tungkol sa makeup, damit at hairdo? Nag-uusap ba sila about trivial things tungkol sa family nila?

Friendly ba sila sa isa’t isa? Sina senators Cynthia Villar, Pia Cayetano, Risa Hontiveros, Nancy Binay at Grace Poe, tulad din kaya sila ng mga common na tao na may small talks when they’re together?

‘Di ba nakaka-curious at exciting to know ‘yung small chats nila, ‘yung kung ano ang range ng closeness nila, kung sino ang pinaka-serious, funny, maldita o anti social.

Hah hah, sarap siguro mag-eavesdrop ‘pag together sila noh, pero ‘pag from afar mo sila titingnan, parang pinaka-friendly si Nancy Binay, pinaka-serious si Cynthia Villar, pinaka-funny si Grace Poe, witty si Pia Cayetano at medyo sharp ang tongue ni Risa Hontiveros.

Iyon ay quiet observation lang ha, pero malay mo, baligtad pala ‘pag close up na kausap mo sila. Kaya, Salve, observe mo sila ha, tingnan natin kung tama ako, hah hah hah.

Ysabel, kulang sa energy

Napanood ko sa Sunday show ng GMA 7 sina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix. May chemistry ang dalawa at bagay sila, kaya naisip ko na sana magsama sila sa isang project.

Isang bagay lang napansin ko kay Ysabel, masyadong tahimik ang aura niya, parang walang ingay. ‘Yun bang parang kulang sa energy, pero palagay ko, dahil hindi pa siya nakikipagbarkada nang husto sa mga kasamahan niya sa GMA artists kaya ganu’n. Dapat magkaroon siya ng barkada na young stars din at magkaroon ng konti man lang energy para medyo maingay.

Isa pang bagay, wala pa siyang loveteam, ‘pag nagkaroon, sure akong medyo magiging exciting ang personalidad ni Ysabel.

Sa palagay mo, Gorgy, magkaroon kaya ng spark ang team nila ni Miguel? Puwede, why not? Pareho namang single, at baka mag-click ‘di bah? Subukan natin, Ysabel at Miguel, wow may rhyme hah, puwede na.

Show comments