Chef Tatung Sarthou, mas pinadali ang pagluluto sa simpol
Chef Tatung Sartho
STAR/ File

Chef Tatung Sarthou, mas pinadali ang pagluluto sa simpol

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2020 - 12:00am

May bagong handog ang best-selling author at restaurateur na si Chef Tatung Sarthou mula sa ABS-CBN Books na Simpol: The Cookbook,  kung saan ibinida niya ang 101 recipes na kumuha ng inspirasyon sa mga tradisyunal na pagkaing Pinoy at iba pang paboritong lutuin. “Hangarin ng ‘Simpol’ na matulungan ang mga pamilyang Pilipino na makapagluto ng masasarap at masustansyang mga recipe nang hindi nahihirapan,” ani Chef Tatung.

Nagmula sa sikat niyang online cooking show na Simpol ang pangalan ng libro kung saan tampok ang mga lutuin na kayang gawin ng mga bago at beteranong cooks gamit ang mga simpleng sangkap at madaling maintindihan na direksyon. Mas ginawa rin itong ispesyal dahil sa mga “tweaks” at “twists” na pasok sa modernong kusina at panlasa ng mga Pilipino.

Bukod sa mga tampok na karne, gulay, seafood, kanin, at noodle recipe, ginawa ring simple ang iba’t ibang paraan ng pagluluto sa libro at marami rin ditong tips para mas magabayan ang mga mag­luluto sa paggawa ng mga steps mula sa point A papunta sa point B. “Ang ginawa namin sa ‘Simpol,’ gawing simple ang pagluluto as in ABC. Gumawa kami ng mini recipes sa loob ng ­aming recipes kaya kung may tao na hindi gaanong pamilyar sa pagluluto, madali siyang makakasunod kasi dinivide natin ‘yung lulutuin into parts,” paliwanag ni Chef Tatung.

Dagdag-tulong din ang QR code feature ng recipe book, kung saan madaling maa-access online ang mga video ng recipe sa libro gamit lang ang phone camera at internet connection.

Kasunod ng tagumpay ng award-winning book niyang Philippine Cookery: From Heart to Platter, napili rin ang Simpo  ni Chef Tatung na kumatawan sa Pilipinas sa 2021 Gourmand World Cookbook Awards para sa mga kate­goryang celebrity chef at easy recipes.

Umpisahan na ang pagluluto ng masusustansya at masasarap na pagkain nang walang stress gamit ang Simpol: The Cookbook  ni Chef Tatung, na mabibili na sa online store sa halagang Php 350.00.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with