Andrea may Christmas wish
Andrea
STAR/ File

Andrea may Christmas wish

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

Sa interview niya sa 24 Oras, ibinahagi ni Andrea Torres ang kanyang mga plano at hiling para sa darating na Pasko matapos ang pinag-usapang hiwalayan nila ni Derek.

Katulad umano nang nakaugalian, kasama ng Kapuso actress ang kanyang pamilya sa selebrasyon ngayong taon.

“Magiging memorable po siya kasi ang dami nating pinagdaanan this year. Feeling ko mas mabigat ‘yung dating sa atin ng pag-celebrate ng Christmas,” aniya.

Simple lang naman ang Christmas wish ni Andrea at ito ay ang maging maayos ang kalagayan nila ng kanyang pamilya: “Ang gusto ko lang ay maging healthy ‘yung family ko at magkasama-sama na kaming lahat.”

Diumano ay dawit ang kanyang pamilya sa naging hiwalayan nila ni Derek.

Samantala, matapos gumanap bilang isang babaeng nambubugbog ng mister sa episode ng Magpakailanman nitong Sabado (November 28), isa na namang kakaibang karakter ang pinaghahandaan ni Andrea sa upcoming Kapuso teleserye na Legal Wives.

ANDREA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with