Mga ninong at ninang naghahanda na kasalan ng magdyowang celeb, kasado na!

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

Sabi ng isang source na nakausap namin, “Maniwala kayo, malapit nang ilatag ang mahabang dulang. Buwan na langang hihintayin n’yo.”

?Kasabihang-Pinoy ang mahabang dulang.Pinakamahabang mesa sa isang pagtitipon. Presidential table kung saan nakapuwesto ang bride at groom at ang kanilang mga magulang at ninong at ninang.

?Maramot sa impormasyon ang mga personalidad na malapit nang magpakasal, pero paano nga ba nila ‘yun maitatago sa mga taong nag-aasikaso sa kanilang isusuot, sa pinagbilhan ng singsing, sa mga nag-aasikaso sa kung saan magaganap ang selebrasyon?

?Sabi pa ng aming impormante, “It’s about time, hindi na sila bumabata, lalong hindi na bumabata ang mga magulang nilang sabik na sabik nang magkaapo.

?“Kailangan na silang magpakasal, tutal naman, e, ipinakikita na nila ang mga senyales na papunta na sila du’n,” unang sultada ng aming source.

?May balita rin ang aming source na ang mga kukuningninong at ninang ng mga magpapakasal ay ang mga naging bahagi ng kanilang karera.

?Sabi uli ng aming kausap, “Tinawagan na nila ang mga kasamahan nilang singers na kukunin nilang ninong. May mga network executives na ring nakausap ang mga magpapakasal, kaya wala na silang maitatago.

?“Tingnan mo nga naman, sa dami ng nakare­lasyon nu’ng guy, sa simbahan din pala ang tuloy, timing lang, right timing,” dagdag na impormasyon pa ng aming source.

?Masuwerte ang babaeng personalidad dahil mahusay humawak ng pananalapi ang maghaharap sa kanya sa altar. Sigurado na ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

?“Naku, pagkagaling-galing sa paghawak ng pera ang male personality. Manang-mana siya sa kanyangpinagmanahan. Talagang hindi siya nagsasa­yang ng pinaghihirapan niya.

?“Malaki na ang ipon niya, e, may mga negos­yo pa siya. Marunong siya sa buhay, malayo ang tingin niya, hindi ang pangkasalukuyan lang.

?“Hindi niya naman pinagdadamutan ang sarili niya, pero inuuna talaga ng male persona­lity ang future niya.Very lucky talaga ang girl,” pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Fans ni April Boy, matinding lungkot ang dinaranas

Matinding lungkot din ang nararamdaman ngayon ng mga Pilipinong matagal nang nani­nirahan sa ibang bansa sa pagpanaw ng Jukebox Idol na si April “Boy” Regino.

?Karamihan sa kanila ay umalis ng bansa nu’ng kasagsagan ng popularidad ng mga piyesa ni April Boy. At sa pangi­ngibang-bansa nila ay nagbaon pa sila ng mga CD ng namayapang singer.

?Kuwento ng kaibigan naming si Vangie Caperal Aleemi na tatlong dekada nang naninirahan ngayon saVirginia, USA, “Nakakalungkot ang ganitong balita, lalo na’t nasubaybayan ko ang singing career ni April Boy.

?“Nu’ng mag-decide na kaming mag-stay dito sa USA, nagbaon ako ng mga CDs niya. Meron ako, kumpleto.Palagi kong pinatutugtog ang mga songs niya, kaya pati ang husband kong Puti, kayang-kayang kantahin ang mga songs ni April Boy.

?“Pati ang mga action ni April Boy sa ‘Di Ko Kayang Tanggapin’ at ‘Yeye Vonnel,’ alam ng husband ko. Sobra ang dala-dala kong lungkot ngayon, kahit kasi sa mga party ng mga Pinoy dito, kinakanta-kanta ang mga songs niya,” mahabang kuwento ng kaibigan namin.

Sa mga nagtatanong sa amin kung saan nakalagak ang mga labi ng Jukebox Idol ay walang nagbago sa unang plano ng pamilya.

?Maaari nilang masilip sa pinakahuling pagkakataon ang kanilang idolo sa Idol Star, ang bar na itinayo nina April at Madel, na matatagpuan sa M.H. del Pilar St., Calum­pang, Marikina.

?Maraming nawalang oportunidad kay April Boy nang magkasakit siya, pero ang pagpapasaya sa ating mga kababayan ay hindi niya tinalikuran, kahit hindi na siya nakakakita ay umaakyat pa rin siya sa entablado para kumanta na may kasamang PA na nagbibigay sa kanya ng mga paalala.

?Sasabihin ng kanyang PA kapag palakad-lakad siya sa entablado, “Idol, urong po kayo, nasa gilid na po kayo ng stage, baka kayo mahulog.”

?Kapag may mga nagpaparetrato naman sa kanya ay mabilis ang kanyang tanong, “Nasaan ka ba, idol, nasa kanan ko ba o sa kaliwa?”

?Ganu’n minahal ni April “Boy” Regino ang kanyang propes­yon kaya naman matinding tagumpay rin ang ibinigay sa kanya ng kapalaran at ng ating mga kababayan.

?Hindi raw tayo dapat nagsasabi ng paalam sa isang mahal sa atin na pumanaw. Hanggang sa muli lang daw. Dahil iisa lang naman ang ating patutunguhan. Dahil ang sigurado lang naman sa mundo ay ang tayo’y ipanganak at ang tayo’y magsauli ng hiram nating buhay.

WEDDING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with