^

PSN Showbiz

Sanya, lapitin ng suwerte

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Sanya, lapitin ng suwerte
Sanya

Sinasabi nilang mukhang masuwerte si Sanya Lopez. Isipin ninyo, hindi naman siya bida sa ipinalabas na Encantadia noon, pero sa kalagitnaan ng serye nabuntis si Kylie Padilla, kaya nagkaroon ng pagbabago sa istorya. Ang naging bida hindi na si Amihan kundi si Danaya. Kasi si Pirena ginawa na nilang kontrabida kaya hindi na nila mababawi iyon noong mabuntis si Kylie.

Sabi nila napakalaking break daw noon para kay Sanya, lalo’t kung iisi­pin, ang pinagmulan niya bago ang Encantadia ay bilang isa lang sa maraming co-host si Kuya Germs sa Walang Tulugan. Medyo nasilat sa ratings iyang Encantadia noong una, pero nagkaroon ng pandemic, puro replay ang palabas at ngayon mas napapanood pa raw iyong serye kaysa noong unang ipinalabas.

Pagkatapos niyan, may nangyari na naman. Hindi pumayag sa lock-in taping si Ma­rian Rivera, kaya ang kanyang role sa seryeng gagawin sana niya kasama si Gabby Concepcion, napunta kay Sanya. Mas malaking break iyan dahil maliwanag na siya ang leading lady.

Ang role ay intended para kay Marian na kung sabihin ng kanilang network eh primetime queen nila, kaya mabigat nga ang nakuhang role ni Sanya.

Magagandang roles ang napupunta kay Sanya, pero hindi niya sinulot. May nangyari sa iba at nagkataong nasalo niya ang pagkakataon. Kaya wala siyang kasalanan doon.

Eh kasi naman sa totoo lang, siya na lang yata ang mukhang leading lady sa hanay ng mga baguhang stars ng network nila. Ang ibang stars din, either sumikat na o nawala na ang popularidad. Iyong sikat na, malalaki na ang talent fee niyan, at dahil sa laki ng talent fee nila hindi talaga sila masyadong binibigyan ng assignment dahil lalaki ang cost of production nila na baka hindi makayanan ng advertising support dahil maraming negosyo na ang nagbabawas ng commercial dahil lugi sa lockdown.

Mga sinehan, walang pag-asang magbukas

Nagkasundo na ang mga Metro Manila Mayors na pananatilihin nilang nasa ilalim ng GCQ ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng taong ito, dahil medyo tumaas na naman ang kaso ng COVID sa ilang lungsod. Kung ang Metro Manila ay mananatili sa GCQ, sa ilalim ng rules hindi pa maaaring buksan ang mga sinehan.

Ibig sabihin, wala nang pag-asa ang sinasabi ng MMDA na baka mapakiusapan pa ang mga mayor na payagan ang mga sinehan para sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Maliwanag ngayon na hanggang sa internet na lamang ang MMFF.

Kung pag-uusapan ang “artistic value,” napakalaki ng pagkakaiba noong ang isang pelikula ay panonoorin mo sa big screen kaysa sa maliit na screen lamang. Kung pag-uusapan naman ang “commercial viability,” mas kikita sana sila kung may sinehan, kaysa sa maliit na bayad lamang sa panonood sa internet.

Nakakalungkot pero mukhang wala tayong maaasahan sa festival sa taong ito.

Mga aktor na taggutom na, patol lang nang patol

Dahil sa tila ayaw mag-cooperate masyado ng isang male star sa mga proyekto niya dahil ganoon na lang daw nang ganoon ang ibinibigay sa kanyang roles ng kanyang producer at nagsasawa na siya, ang ginawa naman ng producer ay kumuha ng bagong male star para ipalit sa kanya. Iyong nakuha naman nila, nakalibot na sa lahat halos ng malalaking kumpanya pero hindi naman sumikat. Pero favorite daw iyan ng mga bading na director.

Ganoon lang naman talaga ang buhay sa showbiz. Kung hindi pumayag ang isang artista, asahan mo may nakaabang na sa iiwanan niyang roles. Ang daming gutom ngayon dahil wala ngang trabaho.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with