Ion sa loob na lang ng bahay ni Vice nagba-bike!

Vice at Ion

Ayaw mahiwalay sa komedyante

Ang kuwento ni Vice Ganda sa It’s Showtime tungkol sa nararamdamang “security” sa boyfriend na si Ion Perez.

Kung noon daw kasi (sa past relationships niya), hindi lang daw niya makita ay nakakaramdam na siya ng pagdududa, kay Ion daw, kahit daw siguro magtrabaho sa ibang bansa ang boyfriend, malulungkot siya, pero hindi kakabahan (na magiging unfaithful ito).

Kahit nga raw hindi niya makita ng isang linggo si Ion, mami-miss lang niya ang binata, pero hindi siya magdududa.

Bongga nga ang tiwala ni Vice kay Ion dahil nararamdaman naman niya ang katinuan ng boyfriend.

Actually, iba nga raw siya kay Ion, dahil siya pa ang nagpipilit sa boyfriend na lumabas, mag-bar at makipag-inuman sa mga barkada, pero mismong si Ion daw ang mas gusto lang sa bahay.

Eh, si Vice raw kasi, may gusto na nagla-laptop lang at hindi na palalabas, kaya pati si Ion daw, hindi na rin lumalabas ng bahay.

Minsan nga raw ay nagba-bike lang ito sa loob ng bahay. Paikot-ikot lang dahil ayaw nga nitong iwanan si Vice, huh!

Ang bongga!

Anyway, kahit sinasabi ng iba na baka hindi puwede ang pagiging vocal sa It’s Showtime ng tungkol sa kanilang relasyon sina Vice at Ion dahil bukod sa Kapamil­ya Channel, iWantTFC app, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube Channel, and TFC (The Filipino Channel), ipinapalabas na rin kasi sa A2Z Channel 11 na isang Christian TV network ang nasabing noontine show, but still, minsan ay naisisingit pa rin ni Vice on air ang tungkol sa kanilang relasyon ni Ion.

Well…

Singer/actress walang pakialam kahit nili-link sa hunk actor

Napansin n’yo ba, kahit pilit na ginagawan ng intriga at inili-link sa isang hunk actor, tahimik lang ang isang singer/actress.

Hindi nagre-react ang singer/actress tungkol sa gawa-gawang issue sa kanila ni hunk actor.

Yes, gawa-gawa dahil wala naman talagang katotohanan na may relas­yon sina singer/actress at hunk actor.

Magkaibigan lang ang dalawa dahil BFF ni ­singer/actress ang ma­nager ni hunk actor, plus kasosyo pa niya sa negos­yo ang taong ‘yon.

Mas gusto ni singer/actress ang tahimik na buhay, kaya naman hindi siya patola sa ganoong klaseng issue sa kanila ni hunk actor.

Saka, ginawa pa siyang third party ng mga intrigero’t intrigera sa hiwalayan ni hunk actor at ng sexy actress na nakarelasyon nito, kaya tahimik na lang si singer/actress.

Kung sasagot pa kasi siya, lalo pa siyang idadamay sa intriga ng mga taong walang magawa.

Hindi guilty si singer/actress, kaya better na tahimik na lang siya, ‘noh?!

Show comments