Charo gusto ring magkontrabida
Charo

Charo gusto ring magkontrabida

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Darna tuloy sa 2021, lalabas sa digital at Joshua, malamig ang Pasko

Ngayong gabi na mapapanood ang nagbabalik na longest running drama antho­logy ng bansa, ang MMK hosted by Ms. Charo Santos-Concio, para maghatid ng mga bagong kwento ng pag-asa at pagbangon sa panahon ng krisis, kasama sina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Jane de Leon, Angel Aquino, at Joshua Garcia.

Sa unang tampok na kuwento, bibigyang buhay ni Arjo ang kwento ni Dr. El Bactol, isang doktor na nagsakripisyo ng kanyang buhay dahil sa COVID-19.

Makakasama niya rito ang kanyang inang si Sylvia, at si Jane, at idinerehe ni Dado Lumibao, ngayong Nobyembre 28 at Disyembre 5.

Samantala, kwento naman ng mag-ama ang babandera sa Disyembre 12 tampok sina Joshua at Nonie Buencamino. Idinerehe ni Nuel Naval, iikot and kwento sa mangingisdang si Layot (Nonie) at anak na si Maro (Joshua) na magkaiba and hangarin sa buhay.

Alamin kung paano nila pinagsikapang abutin and kani-kanilang pangarap nang magkasama.

Sa pagpasok ng 2021, mapapanood naman ng Kapamilya ang kwento ng single mom at OFW na si Vagelyn Tumbaga-Pacio, na gagam­panan naman ni Angel Aquino.

Sundan ang kwento ng kanyang pagtatagumpay bilang pinakatanyag na Pilipino HR Director ng isang sikat na hotel sa Dubai.

Samantala, habang lockdown at may quarantine, nag-piano lesson si Madam Charo, nagkaroon ng extra time sa kanyang mga halaman at nakapag-explore pa sa panonood ng Korean drama.

Pero aminado rin siyang nagkaroon siya ng anxiety nung mga first few weeks ng lockdown dahil nga may sakit ang kanyang husband.

Ngayon ay hindi pa alam ni Ms. Charo kung anong plano niya sa 2021 dahil pandemic pa rin.

At nang matanong naman si Sylvia kung willing siyang maging kontrabida as in masampal si Ms. Charo, gustung-gusto raw niya. )By the way, makikita sa kanyang social media account na nakipag-bonding si Sylvia sa nurse na nag-alaga sa kanya nang magka-COVID siya.)

Humirit naman si Ms. Charo na handa rin siyang maging kontrabida kung sakali.

Sa Zoom conference pa rin ng MMK last Thursday night ay nabanggit naman ni Joshua na todo ang ginawa niyang pag-iyak sa mga eksena niya kaya aminado siyang nahirapan talaga siya. Nabanggit din niyang malamig ang paparating na Pasko niya.

Si Jane naman ay sinabi niyang happy siya na nakasama sina Sylvia and Arjo sa nasabing episode ng MMK.

Kumusta ang Darna? “About sa Darna, may mga good news naman po about sa Darna,” saad niya nang tanungin kung naka-move on na siya sa naudlot na pelikula, ayon sa chika ay itutuloy ito pero diumano’y sa digital na lang din at mapapanood sa 2021. Pero hindi pa kinumpirma ni Jane.

Ang Darna sana ang launching movie ni Jane pero inabutan nga ng kawalan ng franchise ng ABS-CBN at ng pandemic.

Anyway, mapapanood ang MMK tuwing Sabado, 8:45 PM sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng TVplus.

CHARO SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with