_ngayon
^

PSN Showbiz

Ilang celebrity na pinagkakakitaan ang pagla-live,‘di sumusunod sa protocols

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Uso talaga, Ateng Salve, ‘yung pagla-live ng karamihang celebrities sa iba’t ibang social media apps, huh!

Of course, marami sa kanila ang pinagkakakitaan ito, kaya naman sobrang active sa kala-live. Pero marami rin sa kanila ang nagge-guest ng mga kapwa nila celebrity para mas maka-attract ng maraming viewers.

Ok lang naman ‘yon lalo na kung close naman nila ang mga celebrity na iniimbita­hang mag-guest sa kanilang online shows, pero dapat din naman na sundin nila ang proper protocols.

Like kung may management company na humahawak sa career ng mga celebrity na ‘yon, dapat pa rin naman silang magpasintabi.

Pero may iba talaga na nakakalimot at idinadaan sa friendship, kaya directly kinokontak ang mga celebrity na kakilala nila.

May ibang mga celebrity naman na sinasabihan ang mga nag-iimbita na kailangang ipagpaalam ‘yon sa kanilang management company.

May isa akong celebrity na nakatsikahan at naloka raw siya sa request ng isang celebrity na may online show at iniimbitahan siya sa birthday presentation nito. Pinagre-ready pa raw siya ng kanta.

“We’re not even that close, ha!” sabi ng celebrity na nakatsikahan ko. “Saka hindi naman siya komokontak sa akin before, pero ngayong may pa-online show siya for her birthday celebration, gusto niya for me to guest.

“Gusto pa niya na mag-prepare ako ng song. So, I just told her na kailangan magsabi siya sa manager ko, kaya ‘yun naman ang tama!” sey ng celebrity na nakatsikahan ko.

Pero hindi naman lahat ng mga celebrity na nag-o-online show ay ganyan. May iba na kahit ka-close pa nila ang isang celebrity, nahihiya silang magsabi.

Like Snooky Serna na nagku-Kumu na rin. Gusto sana ni Snooky na magkaroon ng guest noong mag-live siya last Monday, kaya nag-ask siya ng suggestion sa akin.

Sabi ko, anak naman niya sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday ng GMA 7 si Barbie Forteza at puwede niyang pakiusapan ang executive producer nila na ayusin ang tungkol doon para promotions na rin ng kanilang show.

Pero sabi ni Snooky, “Shy ako, Friend. Nahihiya akong magsabi!”  After a day ay naitsika naman ni Snooky na ang co-star niya sa nasabing series, si Kate Valdez, nag-yes na raw na magge-guest sa kanyang Kumu live show (ang alam ko kahapon ‘yon).

Pero dahil shy nga siya, ang handler daw niyang si Bam Salvani ang umayos ng tungkol doon. Sabi ko nga kay Snooky, paa­yos din niya kay Bam ang guesting naman ni Barbie na anak niya sa nasabing series para promotions na rin ng show nila na sa January ay mapapanood na ang fresh episodes na ginawa nila nang mag-lock-in taping sila somewhere in Cavite.

Cornerstone, tahimik pa sa mga nasungkit na talents

May ilang talents daw na nakatakdang i-manage ng Cornerstone Entertainment ni Erickson Raymundo.

May nakapagtsika na sa akin kung sino ang mga ‘yon, pero bawal pa yatang sabihin.

In fairness, lalong dumarami ang talents ng Cornerstone Entertainment, huh!

Siyanga pala, nagla-line-produce na rin sila ng ilang shows ngayon for TV5.

The latest nga ay ang Stay In Love na nag-pilot telecast na kagabi. Siyempre, part pa rin ng Spring Films ang Cornerstone Entertainment.

APPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with